"Anong mana sayo? Mana sa tito nyang pogi tol!" Sabi naman ni Arman.

"Ulol! Eh pano mag mamana yon sayo Eh ako ang tatay, syempre sakin kukuha ng kagwapuhan yon kasi mas gwapo ako sayo." Ani Rolf na naka ngisi parin.

"Siguradong Mas gwapo ang anak ko pag labas!" Sabi nI Edward na may bahagyang ngiti, nag ka tinginan na lang sina Rolf at Arman at Tipid na napa ngiti, na huhulaan na nila ang desisyon ng kaibigan.

" Ma alala ko tol, yong anak mo sabi ni mama kay misis, may tinatawag na daw na mommy, mukhang I rereto ka ng anak mo sa babae, at balita ko hindi lang mabait seksi at maganda pa daw, kaya lang bata pa estudyante ni mama. " Biglang Sabi ni Arman, akmang sa sagot si Rolf ng mag sulputan ang tatlong gonggong na pawang mga naka ngisi.

" O pre akin na ang phone mo." Agad na sabi ni Jules sabay dampot sa cellphone ni Rolf na naka patong sa mesa.

"Ayan! Ako na ang nag lagay ng number ni miss beautiful, nakuha ko don sa isang friend nya na beautiful rin." Naka ngising sabi ni Jules bago ibinaba ang cellphone ni Rolf.

"Lapat tayo sa mesa nila tol, ang gagandang mga chica babes, mga koleheyala , fresh na fresh!" Naka ngisi ring pag aaya ni Louie sa mga kaibigan.

"Naku hindi na, pa alis na rin kami ni kapitan." Tanggi ni Arman na Sinulyapan si Rolf na ngumiti at dinampot ang cellphone at ipinamulsa sabay tayo.

"Pano ba yan mga pre, una na kami ni bayaw, maaga ko pang susunduin sa kanila bukas ang anak ko Eh, uuwi kami ng Pangasinan, alam nyo na sabik din si Mamang sa apo nya." Ani Rolf na tumayo na.

Makalipas ang ilang sandali ay na tapos rin ang paalaman ng mag ka kaibigan at sabay sina Rolf ay Armang lumabas ng Bar, de pinansin ang mga babaing mga naka abang sa labas at nag hihintay na dagitin nila ngayong gabi.

Tinapik Lang ni Arman sa balikat Si Rolf habang tinanguan naman ng huli ang una at nag kanyahang sakay na sila sa kani kanyang sasakyan.

-------------------------------------------

Agad na sumakay si Rolf sa bagong - bago at na ngingintab nyang kulay itim na toyata hi lux, hindi pinansin ang mga babaing nag pa palipad hangin at nag hahangad na I uwi nya ngayong gabi. May sumigaw na bakla daw sya ng de nya ito pansinin, di nya na lang pinatulan, sya ang tipo ng lalaki na de bale ng mag sarili kesa pumatol sa mumurahin at babaing kalye.

Bukod sa pagiging pihikan sa babae ay sadyang maselan at pinangangalagaan nya ang kalusugan na puhunan nya sa pag kakaroon ng magandang trabaho. Kapitan sya ng barko at dapat Lang na wala syang bahid ng kahit anong sakit.

Pinangangalagaan nyang mabuti ang kanyang trabaho dahil may anak syang pinag lalaanan at nais nyang mabigyan ng sagana at magandang kina bukasan, kahit doon man lang ay maka bawi sya sa sakripisyong ibinigay ni Anika ng ibuwis nito ang buhay sa pa nganganak sa anak nilang si Marco Angelo o Mas kilala sa tawag na Gelo.

Halos limang taong gulong na si Gelo na naiwan sa pangangalaga ng mama nina Arman at Anika dahil sa trabaho nya sa barko. Napag kasunduan nilang dito sa maynila mamalagi ang bata sa poder ng mama ni Anika habang wala pa syang asawa kesa iwan ito sa mamang Juliet nya sa Pangasinan.

Hindi nya naman talaga tunay na ina si mamang Juliet, kapatid ito ng papa nya na matandang dalaga at piniling huwag ng mag asawa ng sabay na pumanaw ang mga magulang niya at maiwan silang mag ka kapatid sa pangangalaga nito.

Nag tampo ang matanda ng piliin nyang iwan sa lola nito si Gelo pero sa kalaunan ay na unawaan rin nito lalo nat alam rin naman nitong na ngungulila sa anak na Si Anika ang mama nitong Si Anita ng pumanaw ang anak. Pero tulad ng napag kasunduan kung sakaling mag asawa sya at gustuhin nyang kunin ang bata ay payag naman ang mga itong ibigay Si Gelo sa kanya.

Alam nya na ang balitang may tinatawag na mommy ang anak nya bukod kay Anika, bukang bibig kasi ng anak nya ang babae, pero di nya pa ito na ka kaharap o na kikita man lang sa larawan, ang alam nya Lang isa ito sa mga estudyante ng lola Anita nito sa unibersidad na pinag tuturuan. Ibig sabihin bata pa kaya hindi sya interesadong makilala.

He's 34 years old turning 35 in the next 2 months, so kung estudyante ng mama Anita ang babae baka mga sixteen to eighteen years old Lang ang babae swerte na kung nasa twenties na ito. Pero ang alam nya kasi ay mga second year college ang tinuturuan ng mama ni Anika sa university. Hindi sya pumapatol sa nene.

"Pero hinalikan mo yong babae kanina sa bar." Bulong ng isip nya.

"Pero hindi na yon bata, nag ba bar hopping na nga." Pakikipag talo naman ng kabilang bahagi ng utak nya.

"Kung sa bagay, Legal age na ang eighteen." Pag sang ayon ng kabilang bahagi ng utak nyang kanina ay kontra.

Na iiling na ipilig nya ang ulo, Saka ipinag patuloy ang pag mamaneho, ilang sandali pa at ipinarada nya na ang sasakyan sa parking area ng condo building na tinutuluyan nya kung Saan pag mamay ari nya ang isang unit.

Pag ka labas nya ng sasakyan ay nag tuloy tuloy sya sa elevator at mabilis na pumasok Saka pinindot ang floor number nya. Ilang saglit lang at narating nya ang unit nya. Tuloy tuloy sya sa kwarto, nang maka pasok ay Agad na nag hubad ng kasuotan at tumuloy sa shower at naligo, feeling nya kasi nan lalagy it at amoy usok sya dahil sa amoy sa bar kanina.

Habang na liligo ay tila tuksong pumasok sa balintataw nya ang itsura ng babae sa bar kanina, at Ewan nya pero parang hindi sapat ang malamig na tubig na nang ga galing sa dutsa para pahupain ang init na hatid ng imahe ng babae sa utak nya.

Paki ramdam nya sa bawat pag hagod ng kamay nya sa sinasabong katawan ay sinisilaban sya, sa isip nya ay hindi nya kamay ang humahaplos sa katawan nyang puro bula kundi ang mga kamay ng babae.

At tila ba ang bawat dapyo ng tubig na ng ga galing sa dutsa ay ang mala sutlang labi ng babae kanina. Ewan nya ba pero sa dina mabilang na dami ng labing na halikan nya sa tanang buhay nya ay parang ang mga labi ng babae kanina ang pinaka malambot, pinaka matamis at pinaka masarap hagkan.

Kaya ang simpleng dampi lang dapat ng labi nya sa mga labi nito ay naging isang malalim at mapusok na halik, sapat para makalimot sya sa paligid, dahilan para ulanin sya ng tukso ng mga kaibigan.

Makalipas ang ilang sandaliy natapos din sya sa paliligo, at kasabay na umagos ng tubig sa sahig ang katas ng pag nanasa nyang tuluyang lumaya at sa pag patay nya ng tubig sa dutsa ay panabay ding naibsan ang init ng katawan na kanina ay halos mag pa apoy sa katawan nya.

Matapos tuyuin ang katawan ay agad syang nahiga sa kama at ipinikit ang mga mata.

Unexpectedly ExpectedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ