Makinis ang maganda nyang mukha at makipot ang ma mula - mula nyang labi, katamtaman ang tangos ng ilong nya na bumagay sa deep set nyang mga mata. De sya matatawag na maitim dahil kulay caramel ang balat nya na nag bigay sa kanya ng eksotikong ganda. kaibang kaiba sa tatlong kaibigan na pawang mapuputi ngunit di pa huhuli sa ganda.

"Ano tara na? baka nag hihintay na satin sina Kat don." Aniyang inilahad ang mga kamay sa kaibigan para alalayan itong tumayo, sobrang taas kasi ng takong nito.

"Ano ka ba, hayaan mo silang mag hintay para maranasan naman nilang mainip, upo ka muna, ayusin natin ang hair mo, may pang kulot ako dito." Anitong sininyasan syang maupo kesa tanggapin ang kamay nya.

Naupo naman sya sa tabi nito, habang ito naman ay nag kalkal sa hawak nitong shoulder bag at ng mahanap ang pangkulot na sinasabi nito ay basta na lang iyon isinaksak sa plug na nasa dingding ng seven eleven, walang pasabi sa tao sa counter. Ilang sandali pa at inumpisahan nitong kulutin ang dulo ng buhok nya at ng matapos ay pinaharap sya nito dito at nilagyan sya nito ng eye liner, eyeshadows at mascara at ng matapos ay saka lang sya binigyan ng hand mirror.

"O ayan mahal na dyosa, tignan mo ang sarili mong alindog!" excited na sabi nito.

Napangiti naman sya ng masilayan nya ang itsura sa salamin.

"Thank you ang galing mo girl!" sabi nyang naka ngiti.

"I know right? ikaw lang kasi ayaw mong mag lagay ng make up, kita mo naman mag igaganda kapa, konting dagdag dito at doon lang at boom! ikaw na ang dyosa pero mas maganda parin ako sayo!" Pa kwelang sabi nito, na tawa na lang sya.

"Oo na! pareho tayong maganda! pero mas sexy ako sayo!" naka tawa paring sagot nya.

"Bakit sinabi ko? sinabi ko bang mas sexy ako sayo? hindi diba? kaya wag ka ng umimik na sasaktan ako.!" dramatic na sabi nito na umaktong parang bakla.

Tatawa - tawang nag patiuna na syang maglakad, eksaktong labas nila ay may dumaang taxi kaya agad silang naka sakay at ilang saglit pa ay narating na nila ang sinasabing Bar sa may Ermita, gusto nya tuloy mag sisi na nag suot sya ng hapit at maiksing damit kasi pag baba nila ng taxi ay sang katutak ang mga babaing maiiksi at kinapos sa tela ang mga damit at mukhang hindi lang one size smaller sa mga ito ang soot kundi two sizes smaller pa.

Feeling nya rin hindi lang simpleng Bar na gimikan ang lugar kundi hooker place pa, medyo kinilabutan sya pero deneadma nya na lang at taas noong pumasok sa bar kaagapay ng kaibigan.

Pag pasok nila sa loob ay dim ang mga ilaw at kasalukuyang pumapa ilanlang ang isang elektronikang musika, matao sa lugar at talagang maraming lalaki, may mga pinoy at may mga puti, lalaki't babae.

"Shit Ems ang daming gwapo!" kinikilig na sabi ni Berna sabay hawak sa braso nya.

"hahaha... gwapo ka dyan eh wala akong ma aninag ang dilim." anas nya.

"Ano ka ba friend bulag ka ba? hays hanapin na nga lang natin yong dalawang bruha at baka nag pi pyesta na sa boylet ang mga yon."sagot ni Berna sabay hila sa kanya.

pareho silang palingon - lingon hanggang makita nya ang dalawang kaibigan sa bandang dulo ng bar malapit sa ledge.

"Nandon sila girl at may mga boys na ngang kasama." anas nya sabay turo sa dalawa.

"Naku, hindi man lang nag hintay ang landi talaga." kunyari ay inis na sabi ni Berna habang hila hila sya. nang maka lapit sila sa mga kaibigan ay naki pag beso - beso muna sila sa mga ito saka sila ipinakilala sa apat na boys na kasama ng mga ito na infairness ang ku cute rin too bad wala syang type isa man sa mga ito.

Nginitian nya lang ang mga ito at manaka nakang nakipag usap, at nang dumating ang order nilang beer at paisa - isang tinungga nya ang alak, di nya na pansing nakaka rami na pala sya, medyo na bo bored kasi sya bukod sa na iinis sya sa lalaking katabi nya na nag pakilalang Jerome daw at estudyante ng ateneo, may pagka conyo at uber sa yabang.

Habang ang talong bruha naman ay mukhang kinikilig sa mga partners ng mga ito, ng mag ayang sumayaw ang mga friends nya ay napilitan syang sumama sa dance floor, at dahil mahusay sumayaw at mukhang ganado si Katriz ay nahawa na rin sya, pero ng maramdaman nyang hinapit sya sa beywang ni Jerome at halos ipag dikdikan nito ang alaga nito sa pang upo nya ay pasimple sya lumayo hanggang sa bumalik na lang sya sa mesa nila.

Di nag tagal ay bumalik na rin naman ang mga kaibigan nya sa table nila, hanggang sa bigla na lang mag aya si Meg na mag laro sila ng Truth or dare, naka ilang ikot na ang bote pero hindi parin sya natatapatan, pero ng tumapat yon kay Jerome ay truth ang isinagot nito.

At ang question? Sino sa apat na girls ang gusto mong halikan? at obvious naman na sya ang pinili nito. nginisihan nya lang ito. ipinag patuloy nila ang laro at ng finally tumapat sa kanya ang bote ay mabilis nyang sinabing dare, hindi pa man nag tatanong si katriz kung truth or dare ang gusto nya.

"Okay dare daw guys!" malakas na sabi ni Katriz

"yes dare, so anong dare nyo?" Aniyang naka taas ang kilay.

" I dare you to kiss the guy you like in this room". Mabilis na sabi ni Jake yata yon, kung di sya nag kaka mali sa pangalan ng lalaking ka tabi ni Meg na abot tainga ang ngiti.

Pinan lakhan sya ng mata pero ng mag chant ng Go emman go! ang mga kaibigan nya at makita nya ang ngiti sa labi ng apat na lalaki ay walang sabi sabing tinungga nya ang laman ng bote ng beer na hawak nya at ng maubos ay pa bagsak na binitiwan iyon sa ibabaw ng mesa at na niningkit ang matang sinipat ulit ang apat na lalaki.

To be fair lahat naman sila cute pero sa totoo lang wala syang type sa mga ito, paki tingin nya kasi sa mga ito ay puro hambog at over confident na isa sa kanila ang pipiliin nya, tinitigan nya si Jerome na obvious na ini expect na ito ang hahalikan nya, pero laking gulat ng lahat ng tumayo sya ay ilinga ang paningin sa paligid, hanggang sa tumigil ang mga mata nya sa isang mesa sa kabilang dulo ng stage.

May anim na lalaking naka upo sa paligid ng mesa inisa - isa nyang sipatin ang mga ito at ng humarap sa gawi nya ang lalaking nasa pinakang sulok ay walang sabi - sabing tinawid nya ang dance floor at puno ng kompyansa sa sariling nilapitan ang mesa, sa saliw ng musika at sabay sabay na chant ng mga kaibigan nya ng go emman go ay...

Unexpectedly ExpectedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang