Nag ka tinginan silang tatlo nina Katriz at Meg bago sya humakbang pa sunod kay Berna na hawak parin sya sa braso at halos kalad karin sya.

Nag kibit balikat ang dalawa at nag lakad patungo sa kabilang dereksyon, pero sumenyas muna na text text daw. Ngumiti Lang sya at tumango.

**************

Nag hiwalay rin sila ni Berna dahil magka iba naman sila ng dormitoryong tinitirhan, napag kasunduan na lang nilang magkita sa seven eleven malapit sa dorm nya around 9PM para sabay na pumunta sa Inigma ang bar na sina sabi ng ka klase nilang si Joyce.

Nnag maka pasok sya sa dorm ay mabilis syang pumunta sa kwarto nya at ng maka pasok ay pa salampak na naupo sa single bed na nasa loob ng maliit at makipot nyang silid, dinokwang ang charger ng phone nya at isinaksak iyon para mag charge, saka hinubad ang soot na sapatos at saka humilata sa makipot na kamang may manipis na kutson at ipinikit ang mga mata.

Makalipas ang ilang oras ay pabalikwas syang bumangon at mabilis na dinampot ang cellphone nya, mag si 7pm na pala. maka ilang ulit muna nyang kinusot - kusot ang mga mata saka pahinamad na tumayo at hinagod ng mga daliri ang maykahabaang buhok saka bahagyang pinagpag ang medyo na gusot nyang damit saka nag pasyang lumabas at pumunta sa canteen sa baba ng dorm.

Umorder sya ng pagkain at mabilis iyong kinain matapos bayaran saka, nag mamadaling muling umakyat sa silid nya, kinuha ang basket ng mga toiletress nya at na ligo. Halos isang oras sya sa banyo ng lumabas sya, at ng sipatin nya ang orasan ay mag a alas nueve na pala.
nagkibit balikat lang sya, kasi matagal lang sya maligo pero napaka bilis nya mag ayos, kasi naman halos hindi sya nag mi make up, suklay - suklay lang, face powder at lipstick at ready to go na sya matapos mag bihis.

Bago pumatak ang alas nueve ay bihis na sya at naka ayos na, hinihintay nya na lang ang text ng kaibigan nyang si Berna at ready na syang lumabas. De nag tagal ay nag text na ito, nasa seven eleven na daw ito at hinihintay sya.

Agad nyang dinampot ang clutch bag nya na ang tanging laman at ang lumang cellphone nya, ilang hundred peso bill at lipstick. hinagilap ang susi sa ibabaw ng kama at mabilis na lumabas at matapos i lock iyon ay bitbit ang clutch bag na nag lakad pa baba sa ground floor ng dorm kung nasaan ang canteen at bilyaran na madalas tambayan ng mga estudyante.

Napa sipol ang ilang kalalakihan ng dumaan sya at na rinig nya pa ang bahagyang sigaw ni Ate Malou ng seksi. si ate Malou ang may ari ng canteen, nginitian nya lang ito at nag patuloy sa pag lalakad hanggang sa maka rating sya sa seven eleven, kung saan nag hihintay si Berna.

Na pa sipol ring ang ilang lalaking estudyanteng naka tambay sa harap ng seven eleven, mga estudyante ng kalapit na eskwelahan kaya de nya kilala, de nya pinansin ang mga ito at tuloy - tuloy na pumasok at hinagilap ng mata si Berna. nakita nya ito sa isang sulok na naka upo at umiinom ng slurpee.

"Sexy!" bulalas ng kaibigan ng malingunan sya.

"Chos! ikaw nga ang sexy, backless kung backless ate?!" naka ngising sabi nya.

"Hahaha alam mo naman walang ipapakita sa harap kaya likod na lang!" nag tatawang sagot nito, kasi nga naman may kaliitan ang dibdib nito kaya talagang walang ipapakita, hindi kagaya ng dibdib nya na kulang na lang mag wala sa loob ng bra nya.

Petite si Berna, balingkinitan ang katawan, maputi at makinis na natural sa katulad nitong maylahing chinese. mestisang chinese kasi ang nanay nito.

Sya naman ay kabaliktaran ng kaibigan, medyo mataas sya sa hieght nyang 5'4, bilugan at matambok ang pang upo nya at halos kumawala sa bra ang dibdib nyang tayong tayo at binagayan ng malantik na beywang na napaka kitid at mahahabang hita at binti at slim na slim na mga mga braso.

Unexpectedly ExpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon