Sinaniban siya ng espiritu ng pagkatakot nang bigla na lamang nitong isara ang pinto at itaas ang mga kamay sa tapat ng pinto.

She shivered. Would she now lose her virginity? Would this stranger rape her now? Agad-agad? Now na?

Shocks! Pwede bang mag-toothbrush muna siya? Or pagsuotin man lang muna ng night gown para umakma naman ang ayos niya sa gagawin nito?

Pilitin man niyang hindi'y umiiral na naman talaga ang malanding side  ng pagkatao niya. Eh asi naman, his six-pocket abs were so tempting, seriously. Yummmmy.

Sinampal-sampal niya ang sarili para magising sa kalandian. What must be happening to her?!

Nang magbalik sa katinuan, tumambad sa kanya ang white T-Shirt na suot ng lalaki kanina, naka-staple sa likod ng pinto niya, kaharap ng kama.

"There..."

Nang lingunin niya ang lalaki'y may mga butil na ng pawis sa katawan nito. Parang kagagaling lang sa work-out.

"Anong...ibig sabihin n'yan?"

Humarap ito at  tumikhim muna bago sumagot. Naging malamlam ang mga mata ng lalaki upang magpahiwatig ng sinseridad. Kasabay niyon ang pagsasalita nito na para bang si Kabayan Noli de Castro. "Ito ang magiging tanda na sa nalalapit na panahon, may mag-ma-may-ari na ng puso mo," then he acted coughing like Mike Enriquez. "Excuse me, po!"

Namalayan na lamang niyang humahagikhik na siya. Ang weird ng lalaking kaharap, but strange, wala syang maramdamang takot. She could feel no fear but fondness.

"I, Aldrei Austria, promise to make every sixty minutes memory of your first love worth remembering." His voice was... the most earnest. And he was serious though he was smiling. Mayamaya lang, nasaksihan niya ang pagpatak ng luha sa mga pisngi nito. Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya magawang itanong ang dahilan. Parang may nagsasabi kasi sa puso niyang alam niya ang dahilan nito.

Ipinilig niya ang ulo dahil sa mga naiisip. Hindi siya dapat mag-pa-apekto sa emosyong nakikita sa lalaking kaharap. Paano na lang kung rapist nga ito?

Hinawakan niya ang seradura. “Aaaah!” tili niya habang itinutulak palabas ng kuwarto ang lalaki. She screeched louder when she had finally slammed the door.



THE WALL CLOCK says it’s ten o ‘clock in the evening.

Hindi niya alam kung bakit ganoon ang oras. Ang huling naaalala ni Andrea, dapat ay ala-siete na ng gabi at kailangan niyang maghanda para sa birthday party na dadaluhan nilang mag-anak.

Pumapailanlang ang isang musika mula sa isang wall clock. It was calming and nostalgic and soothing to the ear. Unang beses niya pa lang itong naririnig pero bakit para bang paulit-ulit na niya itong napakinggan noon? Hindi lamang niya matandaan kung kailan at saan.

Saan nga pala nanggaling ang wall clock na 'yon? Sino ang naglagay nun sa kuwarto niya? Kailan? Bakit hindi niya namalayan?

May kumatok na sa pinto niya bago pa man siya makaisip ng maisasagot. Pumunta siya sa pinto at binuksan iyon.

"Good morning, My Princess," anang kumatok nang mapagbuksan niya na. "Hindi mo ba nakalimutang basahin ang nakasulat sa damit na ito?" dagdag pa nitong nakatuon ang kanang hintuturo sa nakatagilid na likod ng pinto. "Alam mo kasi, hindi mo lang naaalala pero dahil nagagandahang lalaki ka sa akin, pinakiusapan mo akong ligawan ka."

"Aaaah!" nanlalaki ang mga matang sigaw niya. "Ma! Pa! Nicole!"

Walang sumagot. Walang dumating para tulungan siya. She was shivering because of fright and to her horror, she could only see an angel in him, amusingly smiling at her reaction. She wanted to see an evil but she was seeing an evil the least. How she hated the sight.

Sixty-Minute Memories of First LoveWhere stories live. Discover now