Chapter 1 - Ang Walong Sentimyento

3.2K 57 27
                                    

“I’m home…” walang gana kong sabi.

“Oh, bakit sambakol na naman 'yang mukha mo, Ate?” tanong ng li’l bro ko. Actually, hindi na siya bata. Nagbibinata na rin 'yang kapatid ko. 2nd year high school na 'yan! Akalain mo nga naman!

“Wala ka na do’n!,” nakairap kong sabi rito.

“Weh? Ang sabihin mo, naka-encounter ka na naman ng taong sinabihan kang maliit,” nang-aasar nitong sabi.

“Tawa pa. Ilakas mo pa! Sige lang,”  inis na sabi ko.

“Patangkad ka kasi panget!”

“Yabang mo! Porque matangkad ka lang sa 'kin, panget!” singhal ko rito. Endearment namin 'yang ‘panget’ sa isa’t isa.

Tinawanan lang ako ng magaling kong kapatid!

Sa pamilya kasi namin, ako lang ang biniyayaan ng ganitong height. Lahat sila pinalad na magkaroon ng maayos-ayos na height. Kainis nga eh! Para tuloy akong ampon! Pero sabi sakin ni mama, namana ko raw 'yon sa lola ko. So proven na hindi talaga ako ampon. Sadyang namana ko lang. Kung bakit naman kasi hindi pa 'ko sa kanila nina mama at papa nagmana?

“Nasaan si mama?” tanong ko kay panget.

“Mamaya pa raw uwi niya. Kakatawag lang niya kani-kanina. May OT raw siya,” paliwanag nito.

“Okay, punta na 'ko sa kwarto ko. Hindi ko na maaantay si mama. Pakisabi na lang na tulog na 'ko,” bilin ko rito.

“Kumain ka na ba?” tanong nito.

“Oo. Tapos na! Ikaw?”

“Tapos na rin!”

“'Ge, ikaw nang bahala diyan, ah?” sabi ko rito.

“Ano pa nga ba? Inaasahan ko na 'yan! Good night, Ate Liit!” pang-aasar pa nito.

“Heh! Manahimik ka nga!” binato ko siya ng throw pillow na nasa sofa namin at saka nagdire-diretso na 'ko sa 'king kwarto.

Nang makapagpalit na 'ko ng uniform ko, agad akong sumalampak ng higa sa 'king kama habang nakatitig sa 'ming bubong. Wala naman kasi kaming kisame para titigan. Hindi pa kaya ni mama na magpagawa.

Naisip ko lang, bakit kaya nasa piso si Dr. Jose Rizal? Bakit naka-side view lang siya? Bakit hindi siya naka-full view? Haha! Ano ba 'tong mga naiisip 'ko? Pakialaman daw ba pati si Dr. Jose Rizal!

Pero 'eto, tunay na 'to! Ang iniisip ko talaga ay kung bakit ang hirap maging maliit? 'Eto ang ilan sa mga sentimyento ko…

 

Una. Hindi mo naman kasalanan na ipinanganak kang maliit so bakit kailangan pang ipamukha sa 'yo at paulit-ulit na sabihin sa 'yong maliit ka sa tuwing makikita ka? Common sense naman!

The Little WhinerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant