1

463 2 0
                                        

Sobrang intense ng una tayong nagkita. Nagulat ako noon kasi bigla ka na lang sumulpot sa likuran ko at kinalabit ako.

Alam kong pareho tayong na-caught off guard sa sitwasyon.

At alam ko ring parehong tanong ang tumatakbo sa mga isipan natin ng mga panahong yun.

"SINO KA?!"

Akala mo kasi ako yung kaibigan mong kikitain mo sa coffee shop ng hapon na 'yun. Ngunit nagkamali ka.

Nagkamali ka nang kinalabit mo ako. Nagkamali ka nang bigla mo akong tinitigan. At nang nagulat ka dahil hindi pamilyar ang mukha ko. Na hindi mo naman talaga ako kilala. Kaya napahiya ka.

Pero alam naman natin ngayon na mas kabisado mo pa ang mukha ko kaysa sa'kin. Na, minsan, mas kilala mo pa si Alden kaysa kay Alden. Alam mo yun. At wala ka na ring hiya. I mean in a good sense of the term.

Nakakatawa lang talaga 'pag naaalala ko 'yun. At nakakatuwang isipin na, minsan talaga, nakakahanap tayo ng mga tama sa mga pagkakamali.

A

Serendipity (An AlDub Fanfic)Stories to obsess over. Discover now