"Oh God! Oh God!" Sambit ng isang babaeng tumatakbo habang tumatagaktak ang butil ng kanyang pawis at halatang takot ang nangibabaw sa kanyang mukha. Habang tumatakbo, nakita nya ang parte ng school na madilim. Na isipan nyang mag tago doon mula sa taong humahabol sa kanya. Sa kanyang pagliko ay nakita nya ang sign na EINSTEIN pero mas pinili nyang mag tago na lamang sa gilid.
"Come out, Come out! Where are you? Alam mo namang wala ka ng matatakasan Miss. Umalis ka nalang dyan sa tinataguan mo at mag pakita sa akin, Bago pa sumapit ang alas syete ng gabi dahil kung hindi si kamatayan na lang ang mag hahanap sayo. Baguhan ka pa naman dito." Wika ng lalaking humahabol sa kanya at kitang kita ng babae kung paano ito ngumisi na tila ba parang demonyo.
"Tol, tara! 10 minutes nalang bago mag alas syete. Hayaan mo na yung babae. Ayaw ko pang mamatay." Sabi ng kasama nyang lalaki.
"Tss! Tara, baka hanapin pa ako ni nanay. Humanda nalang sa akin ang babaeng iyon bukas yun nga lang Kung makikita pa syang buhay." Yan ang huling salita na binitiwan ng lalaki bago ito umalis.
Bakas sa mukha ng babae ang matinding takot at kaba. Mga luhang hindi mapigilan sa pag agos kasama ng kanyang isip na nag tataka dahil sa kababalaghan ng eskwelang kanyang pinasukan. Bigla naman syang napatingin sa orasan na nasa dingding at bakas parin ang mga luhang animoy ilog na walang pakundangan sa pag agos.
"A-alas s-syete na. Anong meron.?" sambit nya. Habang,ramdam na ramdam nya ang mga yabag ng paa mula sa kanyang likuran.
"Hi Miss!!" Bigla naman syang nagulat at napatingin sa nagsalita. Isang babeng sobrang puti na sinabayan ng malamig na hangin at titig sa kanya. Halos hindi maka pag salita ang babae sa kanyang nakikita dahil sa sobrang takot na baka anuhin sya ng babaeng kaharap nya.
"Hoy!" napatingin ang babae sa nag salita. Isang lalaking katamtaman ang kakisigan.
"Blessly, tinatakot mo naman sya. Alisin mo nga yang make-up mo!" Saway ng lalaki sa babaeng maputi.
"Sareeh naman! Katatapos lang kaya namin mag perform!" sigaw pabalik ng babaeng maputi sa lalaki.
"Transferee ka Miss?" Tanong ng lalaki. Bilang pag sagot, tumango lamang sya rito.
Pinapahiran naman ng babaeng maputi ang kanyang make-up, sabay sabing,
"WELCOME TO EINSTEIN CLASS!" sabay ngiti.
Kasabay nun ang pag dilim ng kanyang paligid at ramdam nyang may kakaibang bagay na humihigop sa kanya papunta sa kakaibang dimensyon.
YOU ARE READING
Behind The Einstein Class
FantasyNaghahanap ka ba ng perfect university para sayo? My pleasure to introduce to you the KAZE UNIVERSITY. Lahat ng estudyante dito ay matatalino, mga normal na teenagers, nagtatawanan, nagkukulitan, nagkakantahan at higit sa lahat mga STUPIDENTS. Sa k...
