Naalala niya ang pagkahuli nito sa clinic sa kanya kanina. "P-Paano mo pala nalaman na nasa psych clinic ako?"

"I followed you."

Nanlaki ang mga mata niya. "Ha? Eh, nakita kong umalis ka na nang nasa restaurant na 'ko..."

"Hindi ako gaano lumayo. Lumiko lang ako. Then, I saw you getting a cab."

Napangiwi siya. "So, you've been waiting for me since my therapy started?"

"You can say that, again." Uminom ito ng bottled juice drink. "Talk now, Zoey."

"Bakit hindi mo 'ko sinisigawan? Bakit hindi mo 'ko sinasaktan? Galit ka sa'kin, 'di ba?"

Napakunot-noo ito. "Even though I'm angry, I have no right to hurt you."

"Kasi buntis ako sa anak mo?"

"Buntis ka man o hindi, wala akong karapatan na saktan ka."

Napalunok siya. "Kasi hindi tayo magkaano-ano?"

"You're going to be my wife. We're going to be a family. Still, it does not give me the license to hurt you—wait, why are we talking about these? I'm not going to lay my hands on you, Zoey. Kahit nagsinungaling ka at nagagalit akong nagsisinungaling ka sa'kin."

"Promise mo iyan? H-Hindi mo 'ko papaluin o bubugbugin o ingungudngod sa kalan?"

Nagsalubong ang mga kilay nito at nagtagis ang mga bagang. "Sino ang gumagawa niyon sa'yo?"

Napalabi siya at iniwas ang tingin rito. "Kapag kasi nagsisinungaling ako, people hurt me." Well, except her relatives.

Napapikit ito. "You always lie?"

Kapag tinatanong siya ng mga kaibigan niya noon kung ayos lang ba siya, sasabihin niyang"oo" kahit hindi. Dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito. Still, they hurt her by talking behind her back.

Kapag tinatanong siya ng mga kaklase niya kung may assignment ba siya, sasabihin niyang wala kahit mayroon. Dahil ayaw niyang mangopya ang mga ito. Gusto niyang matuto at mag-aral ng mabuti ang mga ito. But when they found out she's lying, they'll bully her and push her away.

Kapag tinanong siya ni Auntie Lucille kung kumuha ba siya ng pagkain nito sa refrigerator, sasabihin niyang hindi, kahit oo. Dahil gutom na gutom na siya. Kapag nahuli na siya nito, lahat na ng masasakit na salita maririnig niya rito.

Kapag tinatanong siya ni Auntie Lucille kung kumupit ba siya ng pera, sasabihin niyang hindi kahit kumupit talaga siya. Para lang pambili ng gamot niya. Dahil alam niyang hindi na niya kakayanin ang depression pero kailangan niyang labanan iyon. Kapag nalaman nitong kumupit nga siya, gagawin siya nitong punching bag.

"People are cruel, Geoff... Kung sinong normal, sila pa iyong umaarteng hindi." Bumangon siya at tumanaw sa malayo. "But, ironically...I want to be a normal person, too."

Hindi ito umimik.

She looked up and saw the bright afternoon sky. "I want to be normal. Iyong saktong masaya lang, saktong malungkot lang... iyong kayang magkontrol ng emosyon nila. Iyong kayang mag-isip na may pag-asa pa kahit parang mamamatay ka na sa lungkot. Iyong napapayapa nila iyong sarili nila, iyong hindi sila titignan ng ibang tao na parang kawawa, halimaw, o baliw sila. Gusto ko ng ganoon, Geoff.

"More than half of my life was okay. But I have learned, that while growing up in this world, it steals your innocence, your hope, and your faith away..."

Nilingon niya ito. "Kung iyon ngang normal na mga tao, nararamdaman iyon. Paano pa 'kong hindi? Doble ang pasakit sa mundo ko." Humugot siya ng malalim na hininga at saka napapikit.

Indulgent Geoff (TTMT #3)Where stories live. Discover now