Break me (Part 1)

11 0 0
                                        


"Ayoko na Tish! Ayaw kitang madamay kaya please, tama na ito.."

Halos pagsakluban ng buong mundo si Tish sa narinig niya. Ito na yata ang araw na kinatatakutan niyang dumating. Pero heto na, nangyayari na nga.

"Rod naman! Huwag mo naman akong bigyan ng ganyang alibi. Hindi kasi kapani-paniwala eh. Kung makikipaghiwalay ka siguraduhin mo namang maniniwala ako..."

"Totoo ang sinasabi ko sayo Tish. Nagdu-drugs ako. Ang sarap nga eh, gusto mo i-try din? Tara! Masarap, promise!"

Hindi makapaniwala si Tish sa mga naririnig. Hindi ganito si Rod. Iba ang pagkakakilala niya kay Rod. Ibang-iba sa mga naririnig niya ngayon.

"Wow ha! Sa tingin mo ba maniniwala ako? Eh magsigarilyo nga at uminom hindi mo magawa. Sa pagkakaalam ko wala kang bisyo Rod. At alam kong mahal na mahal mo si nanay kaya hindi mo siya bibigyan ng disappointments. Kaya Rod sabihin mo na sa akin bakit ka ba talaga nakikipaghiwalay? Please!"

"Umuwi ka na. Halika na at ihahatid na kita..."

Paano ba naman maniniwala si Tish sa reasons na binigay ni Rod sa kanya kung hanggang ngayon ay gentleman pa din ito sa kanya.

"Rod, alam kong nagsisinungaling ka. Ayoko, ayoko Rod. Alam mo namang hindi ko ito kakayanin diba...si Gretchen ba ha? 'Yun bang babaeng iyon ha? Huwag mong sabihing siya ang totoong dahilan..Rod!"

"Tumayo ka na diyan. Wala na akong ibang sasabihin sayo. Umuwi ka na. Tawagan mo na lang ako kapag nasa bahay ka na."

"Huwag mo namang gawin sa akin ito oh..." Nagmamakaawang sambit ni Tish kay Rod. Ngunit sa kabila nito ay wala pa din siyang nakuhang sagot na kukumpleto sa tagpi-tagping konklusyon sa isip nya.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UnexpectedWhere stories live. Discover now