Prologue:
"Eros loves basketball so much. In fact, he's our captain in men's basketball. And wait.. He likes reading books, too. Pft. He's way better than Evan, Elise."
natatawang sabi ko kay El habang ngumunguya ng fries. Nandito kami ngayon sa likod ng gym. Cutting.
"Sourgraping ka kamo. When you were still head over heels dun sa ex mo, palagi mo siyang pinupuri sa harap ko. Paulit-ulit nga, e, kahit nakakarindi na."sabi niya sa tonong 'realtalk yan, wag ma-butthurt'
"Hindi mo pa kasi nakikita si Eros kaya ka ganyan. But wait until you see him. Promise, insan. He's very good looking. Di lang panty ang malalaglag sa'yo, malalagas din ang mga pubic hairs mo dahil sa kagwapuhan niya."
Binatukan niya naman ako.
Langya.
"Bibig mo. Anong panty? Anong pubic hairs? urur. OA ka talaga kung makapagdescribe. O siya. Alis na ako. 10 minutes pa naman ang lalakarin ko pabalik sa school namin."
Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo.
Nagkibit-balikat na lamang ako at dali-daling inubos ang fries ko. Mag-na-9:30 na, e. Sex Education. Pinaka-favorite kong subject.
Pagkatapos kong maubos ang fries ko ay itinapon ko na ito sa tabi-tabi. Nagsimula na rin akong maglakad at nung paliko na sana ako ay nakasalubong ko siya dahilan para matulala ako.
Magkapatid nga sila. Kaya ko siguro siya gustong-gusto ngayon.
