Umasa ako kahit alam kong wala naman,
Ngayo'y nasasaktan dahil sa masaklap na katotohanan.
Maliit na pagabago ay aking napapansin,
Hudyat na ba ito para ika'y palayain?
Huwag mag alala ako'y hindi mamaalam,
Kahit turing saki'y isang kaibigan lamang.
Gayunpama'y sana iyong tanggapin,
Ang paghanga na galing sa akin.
