Nung una kitang nakita ako ay namangha,
Taglay mong charisma ay siyang kahanga-hanga.
Kinausap kita sa kabila ng hiya,
Ang iyong pag reply ay isang biyaya.
Di nagtagal tayo'y naging magkaibigan
Sa hindi inaasahan, ika'y pinahalagahan
Mga payo mo'y hindi mawala sa puso't isip ko,
Pano pa kaya kita makakalimutan,
Ngayong naging parte ka na ng buhay ko.
