"Ah, h-here p-please. Follow m-me, Maam," nauutal nitong sabi saka nito iminuwestra ang kamay sa hallway saka ito naunang naglakad. Nakasunod naman kami. Kung kanina confident na confident ito, ngayon parang titiklop na.

"Stop being a bitch boss," saway ni Ram na pabulong. Tumikwas ang kilay ko. Biglang lumipad sa ere ng tumingin ako sa kanya. Kailan pa ito naging issue sa kanya ang malamig kong pakikitungo sa tao?

"I wasn't doing anything," I hissed back saka tumingin sa babaeng hindi alam kung papanong maglakad ng normal sa hindi malamang kadahilanan. Feeling ko matatapilok ito ng di oras.

"Here, Sir, Maam," di makatinging sabi nito sa inopen ang door na may nakalagay na Chief Executive Office. 

"Sir, they're here," 

Wala akong narinig mula sa loob. Pinapasok niya kami saka ito sinara ang pintuan. Lumingon ang sobrang tangkad na lalake na asa 6'2 or 6'3 ata at may katawang parang sa greek god lang makikita. Parang hinulma ito ni Michael Angelo Da Vinci sa kaguwapuhan at machohan.

Nang tumingin ako sa mata, oh god, not him! This is not how I want to meet him, yet again. I want to see him, right?

"YOU?" wala sa sariling saad ko.

Wala itong sinabi. Nakatitig lang sa akin at makikita sa  mga mata ang pananabik. Parang hindi nito nakita si Ram na nakatayo mga ilang puwang lang ang pagitan. Samu't-saring emosyon ang nakabadha sa mga mapupungay nitong mga mata. 

"Hi, I'm Ram Narvaez," pagpapakilala ni Ram saka ito lumapit sa kanya.

Lumipad ang mga mata nito kay Ram at naging malamig ito. Parang magiging yellow na si Ram sa lamig ng titig nito. Parang tahimik nitong pinapatay si Ram sa titig palang. "And who are you?" may galit sa tono nito. Nabwisit ako sa pag-ignora niya sa kabutihan ni Ram. Di man lang nito nirespeto ang kaibigan ko.

"He's my boyfriend and Marketing Director," walang gatol kong sagot para sa kanya at tiningnan ako ni Ram ng konting pag-aalinlangan. Nginitian ko siya ngpagkatamis-tamis na may laman at kami lang ang nakakaintindi. Lumapit ako sa kanya at kinawit ang kamay ko sa kamay niya. Lalo pa itong ngumiti.

"Tristan Ynigo Santillan Montoya," pagpapakilala niya sa pinakamalamig at intimidating na boses. Nagtigisan ng titig ang dalawa. Nakaramdam ako ng saya dahil pinanindigan ni Ram ang kasinungalingang sinabi ko. Hindi man lang inabot ang kamay ni Ram na inilahad. Pasimpleng isinuksok nalang ni Ram ang kamay sa bulsa sa ako nginitian na akala mo super sweet kami kung titingnan.

"I believe this meeting is just between me and Ms. Arismendi, Mr. Narvaez." Lumipad ang tingin ko kay Tristan. Kahit kailan walang modo ang damuhong ito. Hindi na nga tinanggap ang kamay ni Ram, talagang pinamukha pa rito na hindi siya kailangan.

Ngumiti naman si Ram at nagpapasalamat ako at mabait ito at naiintindihan ang sitwasyon. "Of course, I just want to make sure, my girlfriend is safe to get here and to see whoever she meets with. Seloso kasi akong boyfriend," kumindat ito sa akin at nginitian ko siya ng may tahimik na pagpapasalamat. 

"I want to start the meeting now, if you don't mind!" madiin ang pagkakabigkas nito at alam kong galit na galit ito. Walang emosyon ang mga mata niya, pero ramdam na ramdam ko ang galit at tensyong namumuo sa pagitan namin. 

Ang kaninang tambol ng dibdib ko ng makita sya ay dumoble. Lalo na ng makita ko ang pananabik sa mga mata niya. Pilit kong iniignora ang pamilyar na sensasyon na dulot ng kanyang titig. Pilit kong nilalabanan ang tuksong dambahin siya at yakapin ng pagkahigpit-higpit. Pilit kong nilalabanan ang pagmamahal na dating inilaan ko sa kanya. Pero parang tukso naman itong rumagasa sa bawat himaymay ko at ipinaalala na ang lalakeng nasa harapan ko ang lalaking hanggang ngayon, siya paring ang nagmamay-ari sa puso ko.

The Devil's Angel |Montoya Series 1|Where stories live. Discover now