“Oh Hon? Bakit ka nandito? Ang aga mo pumasok ah!” Gulat na tanong nito papalapit kay Det. Gustohin mang pakatitigan ni Det ang mala-superstar na paglakad takbo nito habang nagpupunas ng pawis ay pinigilan muna niya ang paglalandi niya. Importante ang pakay niyang ito! Ayaw na niyang maging tanga.

    “Alam ko na ang lahat!!!” Umiwas si Det nang akmang hahawakan ni Jaydel ang kamay niya.

    “Alam ko na kinausap ka ng kuya ko. Alam ko na player ka matagal na pero pumayag pa rin akong maging girlfriend mo!!! Alam kong 3 din kaming girlfriend mo rito sa school. Sino si Honey ha? Sino yung Honey na sinasabi ng kapatid mo?! Akala ko tatlo lang kami pero may pang-apat pa pala? Magsalita ka!” Sigaw ni Bernadeth sa gym kung saan nagbabasketball ang nobyo at ang ibang ka-team nito. May mangilan-ngilan ding manonood na estudyante. Kaya maraming nakakarinig kay Det piero wala syang pakialam!

    “So, kaya pala nakipagbreak ka sa’kin because of this dummy girl?” Boses ng pinaka ayaw na estudyante ni Det sa campus—si Angelika, 3rd year section A. Napabalita rin na naging gf ito ni Jaydel pero 1week lang.

    “Shut up Angelika. It just happened na hindi ikaw yung tipo ng babae na sineseryoso. And I broke up with you 3 months ago pa.” Seryosong sabi ni Jaydel sa babae. 

    Nakatingin parin ng masama si Det kay Jaydel. Humihingi ng kaliwanagan.

    “Let's talk outside..” at hinila siya ni Jaydel palabas ng gym papunta sa parking lot hangang sa makarating sila sa isang puting sedan. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto mula sa likurang bahagi  ng kotse. Pumasok naman si Det doon. Teka nga? May kotse na pala si Jaydel? She wonders kung ilang babae na kaya ang naisakay nito rito? Nakakainis nang isipin! Hay!

    “Where do I start?” Tanong ni Jaydel sa kanya nang maisarado nito ang pinto. Magkatabi na sila ni Det sa likod ng kotse at humarap siya sa nobya habang hawak pa ang isang kamay nito.

“From the top!” pilosopong sumagot naman si Det.

 

*Flashback*

    9months ago... 

    Kasisimula palang ng pasukan noon.

Nagba-basketball noon si Jaydel sa gym ng school nila nang mapansin niya ang 2 babae na nagre-review sa loob ng gym. Bagamat nagre-review ang dalawa ay sumusulyap naman ang mga ito sa kanila paminsan-minsan. Kinalaunan ay umalis na ang dalawang babae pero napansin niyang may naiwang notebook ang mga ito. Na-curious siya at binuklat ang notebook.

Property of Bernadeth Joaquin 

2nd year Section B

MATHEMATICS

Binukalat pa niya ito…at binuklat pa...halos wala naman itong sulat pero sa kalagitnaan ay may nakita siya…

 O______O

JAYDEL <3 DET

Sa sumunod na page naman ay meron din:

 

MRS.BERNADETH MUREZ

 

Nangingiti si Jaydel habang pinagmamasdan ang mga nakasulat sa notebook na iyon. Kakatuwa pala talaga ang mga babae. Tiningnan pa niya ang ibang page…

FLAMES HOPE
Jaydel Murez

Bernadeth Joaquin

 

    Sa mga sumunod na page ay puro pangalan na ni Jaydel na ibaiba ang kulay at klase ng sulat. Natuwa si Jaydel sa nakita niya. Inilapag niya muna ulit ang notebook sa upuan kung saan niya ito nakita at pumunta muna sa Men's room upang magbihis ngunit pagbalik niya ay wala na ang notebook.

    Ilang beses niyang binalak i-approach si Bernadeth pero hindi nya alam kung paano. Kadalasan kasi sa mga nagiging nobya niya ay siya ang nililigawan kaya hindi siya marunong manligaw. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon sa auditorium nang muntikan nang mahulog si Bernadeth ay sinamantala na niya ang pagkakataon, totoong gusto niya si Bernadeth at seryoso siya rito. Mula kasi nang makita niya ang notebook nito ay na-curious na siya sa dalaga. Parati niya itong pinapanood mula sa malayo hanggang sa nagustuhan na niya ito.

* END OF FLASH BACK*

    Hindi makapaniwala si Bernadeth sa narinig.

Seryoso si Jaydel sa kanya!!?

Nahiya siya bigla nang maalala ang tungkol sa notebook. Ikinwento rin kasi ni Jaydel ang tungkol doon. ‘Di ba sabi kasi ni Det FROM THE TOP? Ayan tuloy.

    “Hon seryoso ako, gusto kong patunayan sa kuya mo ‘yon kaya hindi kita hinahatid nitong mga nakaraang araw. Ang totoo niyan ay nakikipagkita ako sa mga babaeng naka-fling ko para makipaghiwalay ng pormal sa kanila.”

    “Tsaka yung HONEY na sinasabi mo, ikaw ‘yun. Ito oh!” Pinakita pa ni Jaydel sa kanya ang cellphone nito. Ang pangalan na naka-register sa numero niya ay HONEY.

    Nakalimutan niya, HON nga pala ang tawag nito sa kanya. (_____._________”!)7

    “Ows? ‘Di nga?” pabirong sagot ni Det…hindi kasi sya sanay sa seryosong sitwasyon. Nakakahiya naman!

    “Promise! Ngayon lagi kitang sasamahan tutal halos alam na naman ng lahat na tayo na dahil sa eksena mo kanina.” Biro ni Jaydel

    “Teka kotse mo ba ‘to?” Binago ni Det ang usapan bago pa siya tuluyang lumubog sa kinauupuan.

    Si Jaydel naman ay biglang natauhan. “Ay hindi! Nagkataon lang na pagbukas ko ng pinto hindi pala naka-lock…hehe…kotse ‘to ni Sir Mac! Tara dali baba na tayo patay ako ‘pag nahuli tayo!”

Simula noon araw-araw na siyang hinahatid ni Jaydel pero kasama pa rin si Sofia. Napagpasyahan nila na maging friends muna sila habang ‘di pa nakakagraduate ng highschool si Det. Sinabi rin ni Jaydel ang napagkasunduan nila ng kuya Michael ni Det. Kailangan niyang hintayin si Det at hindi pwedeng mabalitaan ng kuya nito na may iba siyang pinopormahan na babae KUNG TALAGANG SERYOSO RAW SIYA KAY BERNADETH.

I Am Me, When I'm With YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang