Hayy. Nakaka-selos. Dati ako yung lagi
nyang kasama, ngayon iba na. Dati ako yung laging hinahanap niya, ngayon iba na. Mabait sya? Oo, pero hindi ko talaga maiwasan eh. Nakaka-hurt.
Pero mag-kaibigan parin kami di ba? Sana lang.
Freshmen, syempre wala pang close sa school, pero sya? Nilapitan niya ako at nakipag-usap siya sa akin. Akala ko nun maarte siya, mataray. Pero mali pala ko, kasi unti-unti ko siyang nakilala nang halos araw-araw na kaming magkasama.
Masaya siyang kasama, walang arte sa katawan at sa kahit ano pamang bagay. Napaka-bait at minsan makulit at iniisip lahat ang magiging resulta ng mga bagay na kanyang sinasabi o ginagawa.
Gusto ko syang kaibigan kasi totoo sya at hindi lang siya mabait kundi pinapahalagahan pa niya lahat ng bagay na nasa paligid niya. Swerte nga ko kasi kaibigan ko pa siya.
Pero dumating yung time na nagkaroon pa tayo ng isang kaibigan. Noong una, ayos lang para naman hindi nakaka bored minsan kapag tayong dalawa lagi ang magkasama. Hanggang sa sumasama na siya sa atin araw-araw. Sa akin, okay lang pero nang tumagal nararamdaman ko na yung selos na nawawalan ka na ng oras sa akin kasi yung oras natin sa isa't-isa bilang magkaibigan.
Pero dahil hanggang school lang tayo nagkikita at siya hanggang pag-uwi eh magkasama kayo dahil iisa lang ang way ng inuuwian nyo. Kaya may mas marami kayong oras para sa isa't-isa.
Hindi ko naman gustong lumayo yung loob niya sa akin pero minsan ako na yung dumi-distansya kasi minsan na f-feel ko out of place na ko sa kanila. Lagi na silang magkasama, dati ako yun eh. Sayang lang, iba na kasi kasama niya. Mabilis ata akong palitan eh? Hahaha
Alam ko naman na wala akong dapat ika-selos kasi wala din naman siyang stable na mga kaibigan dati. Kaya lang nang tumagal, naramdaman kong naa-out cast ako eh. Hahaha ang liit na problema, pina-palaki ko. Hindi naman dapat. Personally speaking, hindi ko talaga alam kung nag-seselos ako dahil feeling ko yung time naming bilang magkaibigan nawala na at napunta na sa kanya. Yun na siguro yung time kung bakit moody na ako. Pero kapag tinatanong ma ako ng "may problema ka ba? Pwede mong sabihin sa'kin", ang lagi ko lang sagot ay,"wala lang to! Hahaha." Alangan naming sabihin ko na nag-seselos ako kasi dati ako ang lagi mong kasama tapos biglang napalitan agad?!
Alam ko ang childish. Eh anong magagawa ko? Ganun ako eh.
Pinapakita ko sa iyo na Masaya ako. Pero kapag ako nalang syempre naf-feel ko na alone ako. Alam ko naman na may mga bestfriends ka , yung mga high school friends mo, hindi ko naman itinatanggi. Ano nga naman ang panama ko sa mga bestfriends mo eh acquaintance lang ako?
Dati, sa room ako yung lagi mong kasama, ngayon siya na. kapag may pupuntahan ka, dati ako yung lagi mong inaaya o minsan pinipilit mo pa, pero ngayon siya na. Dati sa akin ka nag o-open, ngayon ako na yung naa out of place kasi hindi ko na alam yung topic na pinag-uusapan niyo kasi sa kanya mo na sinasabi lahat.
Sana bumalik yung friendship natin. Sana lang. Hayy puro sana ...
-Fin.
ESTÁS LEYENDO
Friends ??
De TodoIs it right that I have you as my friend ? Is it right that you let me inside your life ? Is it right that you invaded my privacy ? You are so lovable and kind that I cannot resist you, My Friend .
