Paunang Banat

10 1 1
                                        

Nanlamig yung buo kong katawan. Habang titig sa kapirasong papel na nakalatag sa palad ko ngayon.
Unti unti kong binuksan. Huminga ng malalim, at bumungad ang mga malalaking letrang..

"REACTIVE" to HIV antibody.

Habang nakatitig sa papel, naginit yung gilid ng mga mata ko. Naramdaman ko na lang tumulo sa pisngi ko yung mga butil ng luha na hindi ko alam kung anung ibig sabihin. Hanggang sa tuluyan ng bumuhos ang hagulgol sa loob ng apat na sulok ng kwarto na clinic na to.

Takot.
Hiya.
Pandidiri.
Pagsisisi.

Yan yung mga naramdaman ko. Bukod pa duon, lalong gumulo ang nasa isip ko dahil may partner ako. Dalawang taon na kami. Pano kung nahawaan ko din sya? Magulo. Tuliro. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Gustong kong tumakbo sa kawalan. Lumubog sa kinauupuan. Kung pwede na lang mamatay ng oras na yon cguro nagawa ko na.

Ako si Mico. 31.
July 18, dineklarang HIV Positive ako.

Pulupot Na Pulang RetasoStories to obsess over. Discover now