"Happy first Anniversary love" sabay kiss ni Richard sa pisngi ko.
"Happy Anniversary too. I love you love" Nandito kami ngayon sa mamahaling restaurant kasi nga "First Anniversary" diba? Dapat daw kasi special kasi first.
"I love you too loves" Sabay ngisi nya sakin at pahawak hawak sa kamay ko.
"Wag ka ngang masyadong sweet jan. Eeeh" Ayaw ko talaga kapag masyado na syang sweet. Kasi hindi ako sweet. Nag one year na kami pero hindi pa kami nakapag HHWW in public, o holding hands while walking.
"Oooy, feeling one month" at humalakhak sya nang humalakhak.
Ganito kami magsama parang barkada lang. Hindi yung parang sa iba na halos mamamatay na kung hindi makahawak sa syota.
Madali akong magalit at sya naman magaling mang asar.
"Shut up. Kain na tayo gutom na ako." At kumain na kami.
"Alam mo loves mahal na mahal kita sana tayo na talaga habang buhay. Hayaan mo kapag mayaman na tayo ibibigay ko sayo lahat nang gusto mo. Kahit mag away man tayo , wag nating pagbukasin kasi pag tumatagal mas mahihirapan tayo. Basta love ha ako lang?" With sincerity nyang sabi. Ganito talaga si Chard kapag mga ganitong okasyon may mga nalalamang salitang ganto.
"Oo nga. Ako lang at ikaw lang din. Wag kang masyadong ma drama minsan dahil jan ako nagagalit." Sabi ko naman kasi baka mg emote na naman to dahil wala akong sinabi.
"Hindi naman yan drama love eh. Nagpapalabas lang ako nang mga hinanakit ko minsan kasi alam mo naman diba , family problem" kawawa talaga tong boyfriend ko. Dito ako nang hihina eh kapag ganito yung mga sinasabi nya parang gusto ko syang yakapin agad at sabayan sa pag iyak.
"Yes I know." At nag smile lang ako sa kanya.
"Tara na" at umalis na kami sa mamahaling restaurant.
-----
Nanuod lang kami nang sine, kumain sa mamahaling resto, nag ikot ikot sa mall at masaya na kami nun.
Yung iba nga virginity na ang binibigay hindi parin masaya sa partner. Realtalk.
Ewan ko ba, basta ako gusto ko kapag kasal na kami ni Chard. Mabait naman si Chard napag usapan na namin yan minsan na gusto ko sa kasal na kasi nag aaral pa kami at mataas ang mga pangarap namin sa buhay. Saka nayang sarap sarap na yan kapag maginhawa na ang buhay namin , kesa magka problema pa.
(Mabuti nalang hindi aggressive si Richard :p)
Gusto ko lang kasi yung simple celebration kapag mga ganito.
Okay lang din yung mga surprises pero hindi ako masyadong mahilig dun. Kasi ang gastos. Joke.
"Loveee ang ganda nung t shirt oh! Yung mga favorite bands ko. Nandito lang pala yung mga tshirts na hinahanap ko eh." Mahilig kasi sa banda si Chard, at nag babanda rin sya.
"Magkano po to?" Tanong ko sa tindera.
"450 po ma'am"
Grabe ang mahal naman. Pero sabagay maganda naman yung tshirt.
"Mag iipon ako para dito. Gustong gusto ko talaga tong bilhin" sabi ni Chard.
"Mabuti pa mag ipon ka muna" sinabi ko
"Uwi na tayo love kasi gabi na" anyaya ko sa kanya kasi busy'ng busy pa syang kakatingin sa mga designs.
"Sige tayo na"
Pumara na kami nang jeep at hinatid nya ako sa bahay sabay halik sa pisngi.
"Mag ingat ka pag uwi mo ha. Mag text ka lang"
"Sige bye" at nagpaalam na sya.
-----
Natolug ako nang may mga ngiti sa labi. Ngayon lang ako sobrang nakadama nang ganitong kasiyahan. Yung nag lalakad habang nag uusap e masaya at kontento na kayo na ganun lang.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Inseparable Hearts
RomantizmLove is the moment you realize that he or she is worth waiting for..
