Chapter 25 (under construction)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anj.. Where have you been? I've missed you so much." Alalang alala siya sakin, napakaganda ng boses niya tumatagos sa puso ko.



Pero nag-aalangan pa rin ako, alam kong masasaktan na naman ako kapag nag-ambisyon ako kaya pumiglas na 'ko at nagsalita..



"I'm resigning ayoko na dito."





"Bakit? May nagawa ba 'kong masama? Ano nasaktan na naman ba kita? Sorry Anj patawarin mo na 'ko." Hindi ko na kaya 'to, ang bilis niyang napalambot ang puso ko grabe.



"Huh? Hindi wala o sige na babalik nako." Ganun ganun nalang ang lahat at napapayag na niya kong bumalik sa trabaho.. hayyy iba talaga siya pag dating sa 'kin.



Mahal na mahal ko si Stanly at isang sorry niya lang ito lumalambot na agad ako. Pero hinding-hindi ako mapapa sa kanya eh dahil kaibigan lang ang turing niya sakin, itatago ko na lang ang nararamdaman ko sa kanya. Hayy text ko na lang kay mother na hindi na 'ko matutuloy sa kanya.



"Ano ba kasi talagang nangyari sa'yo?" Tanong ni Stanly.



"Wala, hwag mo na tanungin mahabang kwento, basta ang importante ok na 'ko at babalik na 'ko sa trabaho." Nginitian ko siya.



"Ok Anj, I'm so glad you came back."



Bumalik na siya sa office niya hmmm madami nanaman siyang ginagawa naka-istorbo ata ako. Hayy Stanly kung alam mo lang kung bakit ako nawala. Tsk tsk tsk sa susunod kasi ahh iwasan mo na 'kong paasahin ng hindi ako umaasa hayy.



Kinagabihan tumawag si Slate sakin hmmm ito na naman siya sa date, di yata to nagsasawa eh.. hayyy ito na ang huling lalabas kami na kaming dalawa lang dahil nakapagdesisyon na 'ko sa tulong ni Tanya.



Papalabas na sana ako ng biglang sumingit si Stanly.



"Angelie, may lakad ka ba? Tara hatid na kita."



Napatulala lang ako sa kanya.



"Hey Anj wake up."



"Huh? Ahh hindi na sige na okay lang ako.."



"Are you sure?"



"Yeah."



"Nope tara na sumakay ka na sa 'kin.."



"Hindi na nga Stanly ok lang ako, ikaw ahh nagtataka na 'ko... bakit napakabait mo ngayon?? Born again ka na ba?"



Natawa siya... "Hayy ok sige ikaw bahala, take care." He gave me his sweetest smile ayyy naku hihimatayin ako... grabe.



Dumeretso nako sa restaurant.



"Anj. Hey kamusta na?"



Ngumiti lang ako kay Slate parang gabi-gabi naman magkasama kami tapos tatanungin niya ko ng ganun.. hayyy.



"So where's our table?"



"Ahh tara doon.."



Umorder muna kami... hindi ako makapagsalita pinaghahandaan ko kasi ang sasabihin ko eh. Hayy I hope maintindihan na niya.



"Anj, nagpa-book ako sa Boracay for 5 days. Ano? Sa sabado ang alis naten.."



"Hindi ako pwede eh.."



"Bakit naman?"



"May trabaho na kasi ako."



"Talaga?" Ngumiti siya "Congrats, I'm happy for you." He gave me a smile "Saan naman?"



Mysterious SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon