Inggit

296 9 2
                                        

Nagtitindigan ang mga balihibo ko habang pinapanood ko ang isang babaeng nakaupo na namimilipit sa sakit samantalang ang hawak lang naman sa kanya ay ang kanyang paa na may nakaipit na tig iisang palito sa bawat pagitan ng kanyang mga daliri sa paa.

"Aray kooooooo!!!!"ahhhhhhh tama na!!!"nanigas niyang sigaw habang nakupo at nakayuko ngunit nakakuyom naman ang mga kamay

"ano ha,magsasalita ka ba o gagamitan na kita ng buntot page?!"
sino ka at anong ginawa mo sa babaeng ito?"matiim na tanong ng may edad na ding albularyo

nanatiling tikom ang bibig ng Babae ngunit ang mga mata'y di mapakali at nanlilisik!

"ah matapang ka ha!ayaw mo magsalita??"sabay dampi ng albularyo sa noo ng babae ang isang maliit na tansong krus

"ahhhhhhhh,!!!ang inittttt!!!alisin mo!ahhhhhh!!! naghuhumiyaw na pakiusap ng babae habang kitang kita kong hirap na hirap sya

"magsalita ka!"utos ng albularyo

nanahimik na naman ang babaeng nakayuko ang ulo ngunit ang mga matay nanlilisik na paroot paritong pailalim kung tumitig,hanggang sa magtama ang aming mga mata!nahuli niya ako sa mata!Nanindig ang mga balahibo ko!Lumamig ang pakiramdam ko,pati ang mga kamay at paa koy bahagyang namawis,kinikilabutan ako sa paraan niya ng pagtitig hanngang sa bigla na lamang syang nawalan ng malay,ngunit bago iyon ay kitang kita ko ang malademonyong ngiti sa sulok ng kaniyang labi!!

"ilayo niyo sya!sigaw ng albularyo sa mga ibang taong andoon na nanonood sa ngyayaring paghuli nia sa kaluluwa ng mangkukulam na nakasapi sa katawan ng taong kanyang kinulam.

"Nakawala sya!wag na wag kayong manonood o sasama kapag may ginagamot ako,na mhihina ang loob niyo,maaaring sa inyo sya lumipat kung nararamdaman niyang mahina ang loob niyo!"

Napalunok ako,ang ngiting demonyong nasilayan ko sa labi niya kanina!

"halika dito Ineng"ang tawag sa akin ng alblaryo,ano kaya ang gagawin niya sa akin,bakit ako kinakabahan ng ganito?

"kinakabahan ka di ba? natatakot ka sa akin?

Sya na ang lumapit sa aking kinauupuan paano kasi mas lalo akong nakakaramdam ng takot at kaba!paano niya nalamang natatakot ako?!

"Nakuha ka niya kaya kelangan kontrahin natin sya baka kung ano ang gawin niya sau lakasan mo ang loob mo,"sabi ng albularyo at sinimulan na niya akong hipan ng kanyang mga orasyon.

Napapikit ako, gumaang ang pakiramdam ko,para akong dinuduyan.Hanggang sa di ko na namalayan nakatulog na nga ako..

(itutuloy)



vote and comment po kau,para ganahan ako magsulat:-)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon