Ako at ang Callmate ko Part 1

12.2K 257 25
                                    


Book Cover Donated by Katalonia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Book Cover Donated by Katalonia

PLS READ: AUTHOR'S NOTE:

Ang "Ako at ang Callmate ko" ay unang inilabas dito sa wattpad noong January 5, 2013, Ito ang pinaka unang kwentong ginawa ko noong ako ay nag sisimula pa lamang at makalipas ang ilang buwan ay nasundan pa ito ng dalawa pang kwento ang 'Classmate kong Siga" at "Si Tol ang Lover ko" na kapwa inilabas noong taong 2013 din. Ang mga kwentong ito ang nag papa alala sa akin ng aking simula bilang isang manunulat, hindi ito ganoon kagilas at kahusay ngunit may puso naman ito at tiyak na kapupulutan ng aral.

Ang "Ako at ang Callmate ko" ay tumagal ng ilang buwan sa page ko ngunit agad ko rin itong inalis dahil umani ito ng katakot-takot na pintas at pang lalait mula sa mga mambabasa. Naunawaan ko naman dahil ang lahat ng baguhan ay dumaraan sa ganoon pag subok. Ngunit gayon pa man ay hindi ako tumigil sa pag susulat bagamat aminado ako na minsan ko na itong sinukuan dahil pakiramdam ko ay wala akong talent.

AT NGAYON, dahil marami na ang nag hahanap ng kwentong ito, ay ikinalulugod kong ibalik ito sa aking pahina upang mabasa ng lahat. Ito ay isang "revise version" at maaaring naiba na rin ang katapusan ng istorya. Samahan niyo po si Gin at ang callmate niya na tuklasin ang naiibang mukha ng buhay pag ibig.

P.S. Pero hindi ko ito masyadong binago dahil nais ko pa rin panatilihin ang sulat ng isang baguhang nag hahangad ng pang unawa. Salamat po.

********************

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo, ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po..

Ako at ang Callmate ko

By : Ai Tenshi

January 5, 2013

Isang malaking kaba ang bumalot sa aking buong pagkatao ng i-anounce ng Emcee ang top 5 finalist sa isang patimpalak na aking nilahukan, ang Ginoong Sta Cruz. Hindi magkamayaw ang sigaw at palakpakan ng mga manood sa paligid at sa harap ng entablado. Isa, dalawa, tatlong minuto ang lumipas ng matapos ang matinding hiyawan. Duon ko na realize na hindi pala natawag ang aking numero #3. Ang lahat ng kalahok ay pinasalamatan at pinababa na ng entablado.

"Gin!!! Gin!!!" ang tawag ng bestfriend kong si Aj matapos akong makababa ng entablado. "Ayos lang iyon friend, atleast umabot ka sa semifinals, ang dami nyo kayang nag laban diba? Oh wag kaya kana ma sad dyan" ang sabi nya na parang nang aamo sabay akap sakin. "Ikaw talaga! Hehe, hindi naman ako sad. Ganuon talaga minsan hindi palaging nanalo." Ang nasabi ko, sabay bitiw ng ngiting pilit.

Dali dali kaming bumalik ni Aj sa dressing room upang kunin ang aming mga gamit. Pag katapos ligpitin ang lahat ng aming dala ay nag pasya na kaming umuwi at huwag na tapusin ang contest. Nakasakay kami sa isang van ng biglang nag ring ang aking cellphone. Isang popular na ringtone ang narining sa buong sasakyan. Isang sikat na kanta ni Sarah Geronimo. "Ikaw"

Ako at ang Callmate ko (BXB 2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon