"Yes..." nakangiting sabi niya ngunit sa totoo lang ay wala pa rin siyang balak sabihin kay Geoff iyon. At least, wala pang specific date. Pagkadating nila sa clinic ay isang babaeng psychiatrist ang sumalubong sa kanila. Naalala niya tuloy si Dr. Candy.

Tumagal ng tatlong oras ang consultation. At the end, the doctor gave her a safe medicine to drink which is an antidepressant.

"Hindi muna kita paiinumin ng Lithium since it would harm the baby's heart. Drink your antidepressant to avoid the depressive episode," Dra. Prado said. "We'll have therapies every week. Once a week we'll meet, Zoey. And I have to coordinate with your OB..."

Marami pang sinabi ang doktor. Tahimik lang siya. More on, si Ate Trisha ang palatanong sa mga kailangan niya.

"Maganda nga rin kung isasama mo ang mapapangasawa mo, Zoey. The both of you can take family-focused therapies. So that, he'll know how to cope up with you. Lalo na ngayong buntis ka, doble ang special treatment para sa'yo."

Tumangu-tango siya at nginitian ang doktora. How in the world we'll she tell this to Geoff? Ni hindi pa nga niya alam ang magiging pagtanggap nito.

Pagkatapos ng consultation ay binigyan na siya ni Dra. Prado ng reseta for the antidepressant. Sunod ay binigyan siya nito ng schedule ng mga therapies na kukunin niya.

Napalabi na lang si Zoey. Haaaaayyyy...

Pagkatapos niyon ay inihinatid lang siya ng pinsan pauwi. Binilinan na naman siya ng katakut-takot bago umalis ang pamilya nito.

"Ba-bye, Auntie Zoey!" magkasabay na paalam nina Pharaoh at Duchess. "Love ka po namin!"

"Ba-bye!" kaway niya rin sa mga ito. Hanggang sa makaalis na ang mga ito at malayo na ang kotse ay kumakaway pa rin siya.

Ibababa niya na sana ang kamay kaso saktong dumating naman si Geoff. Napakaway ulit siya. Mas lumapad ang mga ngiti niya at kay bilis ng pagtibok ng puso niya nang bumaba ito mula sa kotse.

He's wearing a black-fitted pants and a white sweatshirt. Laging nakaputi si Geoff kaya feeling ni Zoey, guardian angel niya ito. Hihi.

Nasa harap niya na ang nobyo ngunit kumakaway pa rin siya.

"Hi," kinikilig na bati niya rito at saka ito niyakap. Agad na dumikit sa kanya ang mabango nitong amoy.

Hinalikan siya nito sa pisngi. "Are you ready? Let's go."

"Wait. Tawagin ko lang si Jona." Nangako kasi siyang isasama niya ang mabait niyang housemate. "Jona! Nandito na si Geoff. Let's go!"

Lumabas naman si Jona na nakahanda na rin. Dala nito ang overnight bag niya. Doon siya ulit matutulog mamaya. Ipasusundo na lang niya si Jona kay Mang Joel.

Pagkarating sa Quintero farm ay marami nang trabahador ang nasa tapat ng mansyon at nagsasalu-salo.

The atmosphere was very cheery and happy. Parang gusto ni Zoey magtatatalon kaso bawal kaya pumapalakpak na lang siya.

"Ang saya naman dito! Parang may fiesta!" masayang sabi niya at saka nilibot ang paningin.

Maraming taong nagtatawanan, may nag-iinuman pa nga kahit sobrang aga pa. Maraming foods! Narinig niya ay may lechon pa mamaya. Nagkatay daw ng limang baboy.

Indulgent Geoff (TTMT #3)Where stories live. Discover now