Chapter 31: Revelation PART 2...

Start from the beginning
                                    


"Ava! Ava! Talaga bang hiwalay na kayo ni Darren Deveroe?!" paulit ulit na tanong nang mga reporter sa kanya.


"No comment..." sagot nya.


Buti na lang at naka suot sya nang shades, nasusulo na sya sa dami nang flash nang camera.

"Eh anong sabi mong sa issue na naanakan ni Darren si Trisha Tan?" tanong nang isang reporter

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Eh anong sabi mong sa issue na naanakan ni Darren si Trisha Tan?" tanong nang isang reporter. Napatigil si Ava sa kanyang narinig. Double purpose ang shades nya, pan takip sa reaction nang mata nya at sa flash.


"No comment..."  sabi ni Ava, buti na lang at nakigulo na din ang airport security para palayuin ang mga journalist sa kanya. Sakto namang tumigil sa harap nya ang sasakyan ni Alex at agad syang sumakay sa sasakyan.


"Girl, kamusta ka na?" alalang tanong ni Grace


"Ok lang ako... grabe ang daming reporter..." sabi ni Ava


"Oo nga, buti na lang nacontrol na nang mga security at nakaalis na tayo..." sabi ni Alex habang nagmamaneho...


Sumandal si Ava sa backseat "Grabe, nawala lang ako nang 2 linggo, dami ko nang na miss... hindi naman ako artista para pagkaguluhan nila..." sabi ni Ava...


"Oo nga, pero asawa mo sikat na businessman... at headlines pa kayo friend..." sabi ni Grace...


Napatingin si Ava sa katabi nya na si Grace..."Talaga?"


"Ikaw kasi, pinatay mo pa ung phone mo, yan tuloy nahuli ka sa mga balita..." sabi ni Alex...


"Eh ano bang balita un? Dami ding tanong nang mga reporter kanina eh..." sabi ni Ava


Tumingin sa kanya si Diane at mukhang nag aalala... "Friend, mahal kita, ayaw kitang masaktan, pero kailangan mo tong malaman..." sabi ni Grace...


"Ano ba yon?" nagtatakang tanong ni Ava... Iniabot sa kanya ni Grace ang newspaper na sila ang headlines. Nagulat sya sa kanyang nalaman habang nagbabasa sya, hindi din nya namalayan na habang nagbabasa sya ay tumutulo na ang mga luha nya.


Nakatulog si Ava sa pag iyak, nagising na lang sya ay nakarating na sila sa bahay. Papasok na sana si Ava nang may tumawag sa kanya.


"Ava..."


Lumingon si Ava at nakita si Darren., the man that she misses so much but hurts her.

WANTED: WifeWhere stories live. Discover now