"Saan?!"

"Honey & Caramel Cafe. Sa pastry shop nina Cara."

REESH'S POV

We're heading to Cara's place naman. Pero hindi ko pa din makalimutan si Axel Hwang at ang sinabi nyang magkaptid sila ni Abby.

Well, kahit konti kasi wala silang pagkakahawig.

Axel is someone tall with chinky eyes while Abby is someone petite with slightly rounded eyes.

Basta, their features were very different from each other. Plus he became so uneasy when Tin started asking about Abby.

Analyzing his words parang ayaw nyang ipakausap samin ang kapatid nya. Pero he's willing to show us their birth certificates para patunayang magkapatid nga sila.

Argh!!! Ewan. Masisiraan ako ng bait sa lalaking yun. Si Cara na nga lang ang kakausapin namin.

As soon as we stepped inside the cafe natanaw na agad namin si Mrs. Sylvanna Seo, mommy ni Cara sitting on the couch malapit sa kitchen.

Lumapit sa kanya si Cara with a plate of sliced cake. Tinikman naman kaagad ito ng mommy nya, napalakas ang pagkababa ni tita ng plate kaya napahinto kami sa paglapit sa kanila.

"When will you ever do this properly?" she said with a low but pissed tone. "Kailan ka ba matututo ha?"

"Sorry Mom." Cara replied with her head down.

This is not Cara na kilala namin. She's someone confident and strong but right now, she looks so fragile.

"Sorry? I don't need your apology. Ulitin mo 'to, ayusin mo. Bumalik ka na sa kitchen."

"Yes Mom." she took back the plate and hurried to the kitchen.

I asked Tin to keep tita company, ako naman ang sumunod kay Cara.

I was hesitant at first na lapitan sya pero nang lumingon sya sakin with tears on her cheeks, niyakap ko na sya kaagad.

"It's okay. Shhh.. Evrything's gonna be alright." I said habang hinahaplos ang likod nya.

 Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at pinunasan ang luha nya.

"Sorry about that. What brought you here?"

"Actually i'm with Tin, she's talking with your mom right now."

Napatungo na lang sya. "I guess you saw..."

"Yeah. We're sorry."

"Ano ka ba, drama lang naming mag ina yun. Sanay na ako noh." she said with a fake smile.

"I always see tita as a loving mom. Kailan pa sya naging ganyan sa'yo?"

"Since mawala si Hana, ako ang sinisisi nya eh. Kung hindi ko inaway si Hana, hindi sya maaaksidente, hindi sya..."

I don't know what to say and how to comfort her. Tuloy tuloy ang pagtulo ng mga luha nya habang gumagawa ng cake. Bigla na lang pumasok sa kitchen si tita.

"Cara, what's this? Tambak na naman ang mga pending deliveries. Kailan mo balak ayusin 'to ha? Ilang beses ko bang kailangan ulitin ang mga instructions ko para matuto ka?"

Cara has her head down pa rin, tuloy tuloy sa paghahalo ng ingredients for the cake.

"For God's sake Cara, hindi mo na nga magawa ng maayos ang mga cakes, pati ba naman ang mga simpleng pagpapadeliver ng mga produkto natin hindi mo pa magawa? Kung nandito lang sana si Hana..."

"Eh di pabalikin mo sya dito." Cara. Natigilan si Tita sa sinabi nito maging kami ni Tin, napalingon din sa kanya.

"Anong sinabi mo?"

Nilingon ni Cara si Tita, "Pabalikin mo si Hana dito. Hukayin mo ang puntod nya at sya ang pagawain mo ng mga utos mo tutal sya naman ang magaling para sa'yo."

"Bastos ka." at sinampal ni Tita si Cara.

"Eh di ba dun naman po kayo magaling, sa paghuhukay ng mga alaala ni Hana para ipamukha sakin na I'm less than her. Na kahit anong gawin ko, hindi ko mapapantayan ang paborito nyong anak."

"Hana never answered me like that kahit nung mga panahong tinuturuan ko pa lang sya tungkol sa negosyong 'to."

"Yun na nga yun mommy eh, i'm not Hana, I'll never be Hana. I'm far different from Hana. Ayaw kitang bastusin mommy but I'm tired of you comparing me to her. I'm sorry."

Lumabas si Cara sa kitchen, wala na kaming nagawa kung hindi icomfort na lang si tita.

Maybe you're thinking na masama kaming kaibigan kasi ni isa samin ni best ay hindi sya sinundan. Well Cara's not the type of girl na makikipagusap kapag nasa foul mood sya. She's someone who prefers to be alone, at kapag ready na sya, she will be the first one to call us.

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now