Still Waiting

Magsimula sa umpisa
                                    

Pinunasan ko yung mga luha niya.

"Mom, masamang damo ako." Pagbibiro ko.

"Sira ka talaga bata ka. Alam mo bang one week din bago ka magising." Pag-iinform sakin ni Mom.

One week? Ang tagal ha. One week ko rin siyang hindi naisip. Pwede kaya yun? Kakayanin ko kaya yun?

Umiling ako ng bahagya.

Hindi ako susuko. Mahal kita diba?

---

A month had passed. Patuloy pa rin akong nagiintay sa beach kung saan kami huling nagusap. Sumasama din sa akin sila Jaehee at Kim.

"Jer, hindi ka ba napapagod?" Tanong sakin ni Kim, boyfriend ni Jaehhe.

Tumingin ako sa kanya saka may bumagsak na luha sa kaliwa kong mata.

"Kim, hindi ako pwedeng mapagod. Kapag sumuko ako sa paghihintay sa kanya, para ko na rin siyang tinalikuran." Sagot ko.

"Hindi ka ba napapagod umiyak?" Tanong ulit ni Kim.

Yumuko ako at umiyak ng mahina.

Pagod na kong umiyak. Pagod na kong masaktan. Pagod na akong maghintay sa wala. Pagod na pagod na ako pero mahal kita eh, kaya hihintayin kita kahit pagod na ko.

"Umiiyak ka na naman. Kailan ka namin makikitang ngumiti ulit ng totoo?"

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko sa harapan ko si Jaehee. Malungkot siya. Parang ako.

Tumayo ako saka sinabing, "Tara na nga. Ang drama na dito eh."

---

Isang linggong makalipas na hindi ko pagpunta sa beach na yon. Nakapagdesisyon na ako.

Nagintay ako ng ilang minuto dahil kailangan kita. Naghintay ako ng ialng oras kasi pinagkakatiwalaan kita. Naghintay ako ng ilang linggo kasi kaibigan kita. Pero alam mo? Gusto ko ng sumuko kasi kahit alam kong hindi ka na dadating, inantay pa rin kita. Eh kasi mahal kita eh. Kasi naniniwala ako na mahal mo rin ako. Na minahal mo rin ako.

Tinanggal ko yung kwintas na gamit ko. Eto yung binigay mo sakin. Kapag suot ko 'to pakiramdam ko kasama kita.

Binitiwan ko yung kwintas at hinayaan ko itong bumagsak sa buhanginan. Tumalikod na ako at naglakad paalis.

Pasakay na ako ng kotse ko nung bigla akong may narinig na tumawag sa pangalan ko.

"Jeremee sandali!"

Lumingon ako at nakita kita. Lumapit ka sakin tapos niyakap mo ako.

"I missed you so much, Jeremee." Sabi mo habang yakap mo ako.

Napatulala ako habang yakap mo ako.

Bakit hindi mo man lang ako ininform na babalik ka na pala?

"Paano? Bakit hindi mo ako sinabihan na babalik ka na?" Tanong ko sayo.

"Ayaw kong mag-alala ka pa eh. Pero parati naman akong nakamasid sayo. Don't Worry." Sagot mo sakin.

"Ha? Paano? Diba sabi mo sakin 2 years ago pupunta ka sa UK para magpagamot tapos babalik ka agad? Anong sinasabi mo na parati kang nakamasid sakin?" Tanong ko sayo.

Kinilabutan ako. Nakamasid ka sakin? Kelan pa?

"Basta palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." Sabi mo sakin.

One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon