Talambuhay ni Alexander the Great

13.5K 41 8
                                        

Si Alexander the third o mas kilalang si Alexander the Great ay hari ng sinaunang griyego ng Macedonia. Ipinanganak siya noong 356 BC sa Pella, ito ay lungsod ng Macedonia. Sinundan niya ang yapak ng kanyang ama na si Philip II na pagkatapos ng asasinasyon nito noong 336 BC siya ay namatay sa edad na 32 anyos sa Babylonia. At noong namuno si Philip II sa Macedonia, pinagkasundo niya ang mga taga Macedonia at mga taga griyego kaya mas lalong lumawak ang Macedonia at si Alexander the Great ang kapitan - heneral na may tungkuling sakupin ang Asya minor dahil sa matagal na labanan ng griyego at persiano. At dahil sa bata pa ang isip niya at walang karansan ay pumanig sa kanya ang ibang pangkat ng Asya ngunit hindi ang mga griyego kaya nagpakita siya ng disiplinang military upang pumanig ang mga griyego sa kanya. Si Alexander the Great ay ngaplano na gumawa ng matagumpay na kampanya sa mga kalapit na bayan ng Macedonia upang mas lumawak pa ang lugar na kanyang nasasakupan at noong umalis siya sa kanilang lugar ay nagplanong magpatiwakal ng kanyang heneral na sina heneral Athens at heneral Thebes, napigilan ni Alexander the Great ang balak ng kanyang heneral dahil agad siyang gumawa ng aksyon at dahil doon ay napanatili niya ang kapayapaan sa imperyong griyego. Nang masolusyonan ni Alexander the Great ang problema sa imperyong griyego, pumunta naman siya sa Silangang Asya at sa mga persiano at sa loob ng sampung taon ay nakalikom na siya ng sapat na bilang ng mandirigma para lumaban sa mga persiano. Maraming beses na natalo ng Macedonia ang mga persiano sa giyera hanggang sa mapabagsak nila si haring Darius III na pinahirapan at ginawa nilang bihag samantalang piñata naman ni Bessus ang hari ng Bactria. Natagpuan ang bangkay ni haring Darius III sa karwahe ng isa sa mga mandirigma ng Macedonia at nang Makita ni Alexander the Great ang bangkay ni haring Darius the Great ay tinakpan niya ito gamit ang kanyang kappa. At nang matapos nilang sakupin ang buong Asya at Persia ay pumunta naman sila sa timog para sakupin ang mga taga India at pati na rin ang mga baybayin ng India. At dahil sa malaki ang nasasakupan ng India ay nahirapan silang sakupin ito at dahil na rin sa mga armas ng taga India tulad na lamang ng mga saksakyan silang elepante samantala ang mga taga Macedonia naman ay kabayo lamang. Sa labanang ito nasugatan si Alexander the Great sa kaliwang dibdib nito at yun ang muntik nang ikamatay ni Alexander the Great. Sa kasamaang palad namatay naman ang paboritong kabayo ni Alexander the Great na si Bucephalus dahil sa tumagos ang sibat sa katawan nito. At dahil sa nangyaring labanan na yaon ay nagpatayo ng rebulto si Alexander the Great at pinangalanan niya itong siyudad ng Bucephala. Nagbunga naman ang paghihirap ni Alexander the Great dahil sa hirap na dinanas nila ay nasakop nila ang India kasama ang mga baybayin nito ngunit pinag - isipan naman ng mga Indiano si Alexander the Great ng masama at dahil naman sa kayabangan ng hukbo ni Alexander the Great ay umalis ang mga ito. Namatay si Alexander the Great sa sakit na Malaria samantala ang sabi naman iba ay nilason dw siya gamit ang alak, namatay si Alexander the Great sa edad na 32 anyos sa lugar ng Babylon na ngayon ay Iraq noong Hunyo 13 323 BC. Nakapag asawa naman si Alexander the Great ng dalawang prinsesa at ito ay sina prinssa Roxanna na taga Bactria at si prinsesa Stateira na taga Persia at ang anak ni haring Darius III. Makalipas ang ilang buwang pagkamatay ni Alexander the Great ay pinanganak naman ni prinsesa Roxanna ang knailang anak na lalaki. Kinilala si Alexander the Great bilang isang matagumpay at magaling na mandirigma dahil sa galing niya sa pakikipaglaban at dahil na rin sa dami ng sinalihan at sinakop niyang mga lugar. At kahit sa dami ng sinalihan niyang labanan ay hindi pa rin siya namatay dito. Samantala nang mamatay naman si Alexander the Great ay bumagsak ang kanyang imperyo at ang kanyang mga tauhan doon ay naglaban - laban para lamang sa kapangyarihan.

Ambag ni Alexander the Great

Kinilalang matagumpay na pinuno si Alexander the Great sa lahat ng panahon dahil sa galing nito sa pakikipaglaban at dahil na rin marami siyang lugar nasakop at malawak ang lugar na kanyang nasasakupan. Si Alexander the Great din ang nagpalaganap ng mga kultura ng Greek sa silangang bahagi at ito ay nagsimula sa kabihasnang Hellenistic    


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PamagatWhere stories live. Discover now