Mahal kita,
kahit nung mga panahon na hindi mo pa ako napapansin,
sapagkat sa iba pa nakatuon ang iyong paningin.
Mahal kita,
mga salita na nagpapatunay din na
sa akin ikaw ay mahalaga.
Mag-tiwala ka,
hindi ako tulad ng iba na iiwan ka.
Parang awa mo na
wag mo akong ikompara
sa mga masasakit na damdamin na naging dahilan kaya puso mo'y nagsara.
Pangako, sinta ko.
Papatunayan ko sayo
na kaya kitang ipag-laban
kahit ano man ang aking pagdaanan.
Papatunayan ko sayo
na kaya kitang protektahan
sa kahit anong lakas ng bagyo na dadating sa ating pagmamahalan.
Walang ano mang bagay
ang makakapag-pigil sa akin.
Katapusan man na ng mundo,
wala pa din makakapagtanggal
sa puso ko ang aking nararamdaman para sa iyo.
Hanggang sa aking pagkamatay
ang pag-ibig na alay ko sayo
ay itutuloy ko parin ibigay.
Sobra man ito sa iyong pandinig,
pero ginagawa ko to'
para maramdaman mo aking pag-ibig.
Pag-ibig na
nais ko lamang ipadama sayo ng lubusan
para sa huli ako'y walang pagsisihan.
Iwan mo man ako Mahal Ko,
masasaktan ako,
pero alam ko na ginawa ko lahat
para ako ay maging sayo
at ikaw ay maging pagmamay-ari ko.
Pangako ko sa'yo,
Na ang dahilan lang ng aking pamamaalam sa iyo
Ay dahil matutulog na ako. 😂
