God Gave Me You - 07

Start from the beginning
                                    


"Dito sa kalsada?" tanong kong napatingin pa sa paligid.


Tumawa ang lalaki at pagkatapos ay hinawakan ang sariling baba na para bang nagpapa-cute sa akin. Ang ambisyosa mo, Meng! Pakli naman ng isang bahagi ng isip ko.


"There's a coffee shop at the next block. Baka pwedeng doon na lang?" Mr. Dimples said.


"Bakit hindi na lang sa loob ng bahay niyo?"


"Nagta-tantrums si lola. Besides, it won't take long. I promise," he said without losing our eye contact.


"Sige," sa wakas ay pagpayag ko na.


Cho-choosy pa ba ako? Bukod sa gwapo ang lalaki, mukhang nice rin naman siya. Saka kailangan ko ng trabaho. Baka pwedeng kunin niya akong yaya kung hindi man caregiver. Keri lang naman sa akin maging yaya.


Tahimik na naglakad kami papunta sa kabilang kanto. Diretso lang ang tingin ko sa daan habang si Mr. Dimples ay nararamdaman kong panay ang sulyap sa 'kin.


Mayamaya lang ay tila hindi rin niya natiis ang katahikang bumabalot sa aming dalawa. "Ano nga pala ang pangalan mo?"


Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya at kahit papaano'y nawala na ang mga pawis sa noo niya.


"Meng," maikling sagot ko. Pero actually, palayaw ko lang ang Meng. Nicomaine Die Mendoza ang buo kong pangalan. Tunog mayaman, 'di ba?


"Nice. I'm Alden nga pala. But you can call me Deng. 'Yon ang palayaw ko," aniyang tinaas-baba pa ang dalawang kilay. Again, bakit feeling ko ay parang nagpapa-cute siya?


Nang iabot niya ang isang kamay niya ay napilitan akong i-extend ang isa ko ring kamay para makapag handshake kami. At sa pagdaiti ng balat niya sa sarili kong balat, pakiramdam ko ay may nanulay na kuryente mula sa kanya papunta sa 'kin. Spark?


Was it real? Ang akala ko ay sa mga nobela lang nangyayari ang mga ganoong eksena. But no, it happened to me. At naisip ko, naramdaman rin kaya ni Alden 'yong spark na naramdaman ko?


At dahil pareho yatang preoccupied ang utak naming ni Alden, hindi naming napansing patawid na pala kami ng kalsada habang may humaharurot na sasakyan palapit sa direksiyon namin.


Mabuti na lang at naging maagap si Alden at nahila niya ako papunta sa gilid ng kalsada. But in the process, sa paghila niya sa akin ay napasubsob ang isang pisngi ko sa dibdib niya habang kaliwang kamay niya ang isa kong kamay while his other hand grabbed my waist.


At sa posisyon naming iyon ay ramdam ko ang pagtibok ng puso ni Alden. It was beating fast. Na tila ba may nagkakarerang mga kabayo sa loob ng dibdib niya.


Dahil mas matangkad siya sa akin, dahan-dahan akong tumingala sa kanya. At sa pagtingala ko nga ay ang magagandang niyang mga mata ang agad na bumungad sa akin. I saw worry in his face.


"Okay ka lang?" paos ang tinig na tanong niya sa akin.


"O-okay lang," sagot ko na bahagyang idinistansiya ang katawan sa kanya. Pero kahit wala na ang kamay niya sa kamay at bewang ko, ramdam ko pa rin ang naiwang init ng katawan niya sa katawan ko.


Nang masigurong wala nang sasakyan ay tumawid na kami ng kalsada at ilang saglit pa ay papasok na kami sa isang coffee shop na halatang pangmayaman.


Pinabayaan ko nang si Alden ang um-order ng kape naming dalawa. Luckily ay bahagya nang kumalma ang senses ko dahil sa nangyari kanina. Habang hinihintay ang order namin ay binuklat ni Alden ang folder na naglalaman ng resume ko.


"Bakit hindi mo tinapos ang course mo?" Iyon ang unang tanong ni Alden na sa folder ko pa rin nakatingin.


"Financial problem," maikling sagot ko.


"Do you have any background in caregiving?"


"Nope. Pero nang magkasakit ang papa ko, ako halos ang nag-aalaga sa kanya pag wala akong pasok. May work kasi mama at whole day rin ang class ng dalawa kong kapatid at masyado pa silang bata para mag-alaga kay papa."


Napaangat ng mukha si Alden at mabilis na nagtama ang mga mata naming dalawa. "How's your papa now?"


Malungkot na nag-iwas ako ng tingin at wala sa sariling napatingin sa langit.


"I'm sorry," mayamaya ay narinig kong paghingi ni Alden ng paumanhin. May sasabihin pa sana siya pero biglang nag ring ang cell phone niya.


Tumingin siya sa akin as if asking me if he should take the call. Tinanguan ko siya para sabihing sagutin ang tawag.


"Yes, inday? Ha? Okay sige, sige. Pauwi na 'ko."


Apologetic na tumingin sa akin si Alden pagkakuwan. "I'm sorry Meng but I have to go. Nahihirapan daw huminga ang lola."


Tumayo na rin ako nang tumayo siya. "It's okay," nakakaunawang sagot ko. Nauna nang lumabas ang binata habang nanatili naman ako sa loob ng coffee shop. Hinintay ko na ang order namin at sayang naman. Hinatid ko ng tanaw ang lalaking ngayon ay naglalakad na palayo.


At napangiti pa 'ko nang bago siya lumiko ay lumingon pa ulit siya sa 'kin at saka kumaway. Wala sa sariling napakaway na rin ako sa kanya.


Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Where stories live. Discover now