My Cute Princess

73 1 0
                                    

Part 1: MRT at ang Pink kong headset

Aba teka, anong kalokohan naman tong naisip ko at nagsign up ako sa wattpad. WAPAK! hampas ko sa noo kong tinubuan ng oil factory. OO oily. Hmmm.. magsusulat ba ko o maglalaro na lang ng counter strike? Aba teka nga.

 =======================================================

When I was a young boy

My father took me into the city

To see a marching band

He said, "Son, when you grow up

Would you be the savior of the broken

The beaten and the damned?”

Naghahum ako habang nakasalpak sa tenga ko ang headset na pink na kakabili ko lang. OO pink. wala ng ibang kulay eh kaya pink na lang ang nabili ko. Isa pa, real men wear pink! Alam ko nabasa ko yun somewhere pero parang hindi ata men ang nabas ko. Whatever, basta okay ang tunog wala akong pakialam kung anong kulay nyan kung rainbow color pa yan or what.

He said, "Will you defeat them

Your demons and all the non-believers

The plans that they have made?

Because one day, I'll leave you

A phantom to lead you in the summer To join the Black Parade"

Eto napakanta na ko, oo muka akong engot alam ko. Nasa MRT pa ako non at nakatayo habang kumakanta. Ano bang pakialam ko sa mga taong to eh isang beses ko lang sila makikita buong buhay ko. Sila na lang makikidinig ayaw pa nila? Kung ayaw nila tumalon sila sa MRT! Pakialam nila? Walang basagan ng trip! TULOY ANG PAGKANTA!! sabi ko sa utak ko.

Bigla na lang may humampas sa likod ko. BOOOOOOGSH!

"Hmm?" nilingon ko kung ano yung humampas sa kin pero di ko pa din inaalis yung pink naheadset ko.  Aba may babae. Ano kaya ang humampas sa kin? Yung dibdib nya? Malabo, mukang napasunget nitong babaeng to at mukang sya yung babae na lalagay lahat ng bagay nya sa harapan nya wag lang mabangga o masilipan ng boobs. Pero kung kamay nya yun, ang lambot naman.

 Pinagmasdan ko sya, nagsasalita sya at ang laki ng mga buka ng bibig nya. Hindi ko sya naririnig pero sa tingin ko nagagalit sya at sa kin sya nakaharap. Pinagmasdan ko ang muka nya, cute sya. Nakasalamin sya at lagpas balikat ang buhok nya. Naka headband din syang may malaking black na ribbon. May kaputian din sya at mukang makinis at malambot ang balat.

Na amuse ako sa pagtingin sa kanya at di ko na pinapansin kung nagsasalita ba sya o hindi. Para ko syang ineeksamen sa utak ko. Pahilig hilig pa ang ulo ko habang pinagmamasdan ko sya.

BOOOOOOGSH!!!

"ARAY!!" sabi ko dahil bigla nya kong sinampal at sabay hila sa pink kong headset.

"ANO BA!? KANINA PA KO SALITA DITO NG SALITA DI MO BA KO NARIRINIG!??" ang tinis ng boses netong babaeng to! Ang sakit sa tenga!!!! At ang sakit MANAMPAL!! Upakan ko kaya to?? Pero naisip ko teka babae pa din to kahit mukang tambay sa kanto.

"Malamang di kita maririnig, nakaheadset ako diba? ayan o hinila mo! Pag to nasira bayaran mo to!"

"Ano naman pakialam ko sa headset mo!!" Patuloy na pagtataray ng babaeng to.

"Ano ba problema mo ha? Nananahimik ako dito bigla kang manghahampas tapos sinampal mo pa ko? Feel mo maging warfreak today?"

"Anong nananahimik pinagsasabi mo dyan!? Ang lakas ng bunganga mo sa pagkanta mo! Sintunado ka naman! Pwede ba manahimik ka at nakakaistorbo ka ng mga pasahero!! Bwisit ka! Tinapakan mo pa ko kaya ako nagagalit!" biglang umigkas ang kamay nya buti na lang nasalo ko bigla akong tumawa.\

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Cute PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon