Replay (One-shot story)

171 8 8
                                    

*Replay* (one-shot story)

By: FallenAngeLinPINK © 2013

[ Jinyoung's Pov ]

"Bro, kita mo ba yung babaeng yun? Yan ang magiging future girlfriend ko!" sabi sakin ni Baro.

"Nice one dude! Ganda ah? Kaso di ko type. Goodluck na lang!" sabi ko.

Nakaupo kami pareho dito sa may field. Nanunuod ng mga babaeng naglalaro ng badminton. Uwian na kasi kaya tamang tambay muna.

"Hindi ko naman sinabing tipuhin mo eh. Sinasabi ko lang na yan ang magiging girlfriend ko. Maganda talaga yan! Iba kasi ako pumili di tulad mo!" pagyayabang niya.

"Paki ko? Geh, uwi na muna 'ko. Hinahanap na 'ko ng nanay ko!"

Natawa naman si Baro sa sinabi ko.

"Pre, utusan ka lang pala? Geh umuwi ka na! Paluin ka pa nun! Hahaha!" natatawa pang sabi nito.

"Badtrip ka lam mo?" inis kong sabi dito.

"Sige na, lumayas ka na! Tititigan ko pa yung future girlfriend ko," sabi ni Baro na nakaharap dun sa mga babaeng naglalaro ng badminton.

Umalis na ako at nagsimulang maglakad.

Kaso lang..

Biglang may maliit na tao yata akong nabunggo.

Oo, maliit na babae nga!

"Sorry po! Sorry!" sabi ng cute na babaeng ito sakin habang nagbobow pa.

Bumalik na rin siya kung saan siya galing..

Dun sa mga babaeng naglalaro ng badminton.

Saka ko lang naisip..

Teka? Yun ba yung babaeng sinasabi ni Baro?

Hindi pa naman ako nakakalayo kaya kita ko pa rin si Baro, at nakatingin siya sakin.

Sumilip pa ako dun sa babaeng nabangga ko.

Nakatingin sila sakin?

Mukha nga siyang tinutukso-tukso nung mga kasama niya eh.

Tinawag ako bigla ni Baro. "Jinyoung!"

Agad naman akong tumakbo sa kanya.

"Pre bakit?"

"Dude ayun na eh! Siya yung sinasabi ko sayo! Langya! Naunahan mo pa ako! Sana pala sumama na ako sayo para nabangga ko rin siya," reklamo niya.

"Malay ko ba?" Sinapok niya ako sa ulo.

"Teka? Para san yun?" tanong ko habang iniinda yung sakit nung sapok niya sakin.

"Wala naman. Wag na wag kang gagawa ng kahit ano dun sa babaeng yun. Sinasabi ko sayo ngayon pa lang, ako makakalaban mo!" banta niya sakin.

"Hindi nga ganun ang tipo ko! Bungol mo rin noh?" sabi ko sa kanya.

"Sinasabi ko lang para sigurado. Pero leche talaga eh! Sa lahat pa ng mababangga niya, ikaw pa!"

"Eh ano naman? Problema mo? Kasalanan ko ba? Kasalanan ba niya?" tanong ko.

Ang lakas rin naman kasi ng topak nitong mokong na 'to. Parang nagkabunggo lang kami ng hindi sinasadya, ang dame nang alam. Badtrip amp!

"Wala siyang kasalanan pero syempre ikaw meron. Bulag mo rin noh?"

"Pasensya siya, maliit siya eh," walang kagana-ganang sagot ko.

"Ano? Maliit siya?! Bawiin mo yang sinabi mo!" sigaw sakin ni Baro.

Replay (One-shot story)Where stories live. Discover now