"Aalis nako. Sasabihin ko nang gusto ko siya." Sabi niya at akmang lalabas na ng bahay nang pigilan ko siya at hawakan sa kamay.
"Troy.. Dito kalang. Please.. wag kang aalis." Pagmamakaawa ko sa kanya.
Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "Babalik rin naman ako eh, tetext nalang kita. Ok? Magpahinga kana lang baka mabinat kapa." Huling sabi niya at lumabas na nga ng pinto. Naiwan nanaman akong magisa.
Nangilid ang mga luha ko dahil sa ginawa niya, bukod pa don ay pinaramdam pa niya lalo na wala akong lugar sa puso niya dahil si Dari lang na pinsan ko ang nakakapagpasaya sa kanya.
Kinuha ko ang telepono na nasa school bag ko. Hinanap ko ang contact ng bestfriend ko at agad na tinawagan. "Hello Tan? I need you. I need someone's shoulder to cry on. Si Troy..." at tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko.
"Angeline, sinabihan na kita wala kang mapapala sa kanya. Ako nalang kas----- Ahhm.. sige sige! Nasan ka? Pupuntahan kita." Pinunasan ko ang mga luha ko at binaba na ang telepono.
Ibabalik ko na sana nang bigla tong nagvibrate at nagtext ang babaeng nagpapatibok sa puso ng lalaking pinakamamahal ko.
1 Message Received.
From: Dari'Couz [09326870001]
Hi Couz! Please help me naman. I need your help. Tulungan moko maghanap ng dress for our first date. Please?? Know what? Nagulat talaga ako ng yayain ako ni Justine. Hihi. Txtbck. :)
Napabuntong hininga ako at binalik nalang ang telepono. Lalo ata tuloy akong nagkasakit.
Look. This is our Love Web. This is our lovestory.
YOU ARE READING
다시해줘 DO IT AGAIN [On-Going]
RomancePersonal Owned by @DahyunImnda08 PLAGIRISM is a CRIME Created by a WHOLE EVENTS, EXPERIENCE, SOME PARTS ARE REAL. VOTE, SHARE AND COMMENT.
![다시해줘 DO IT AGAIN [On-Going]](https://img.wattpad.com/cover/59294269-64-k390882.jpg)