“Dude, really? Pinapawis ka?” si Matt with a grin on his face “Are you sick or something? I guess you’re something” Humalakhak pa ito sa sinabi, hindi niya alam kung maiinis ba siya o kung ano man.

“Tigilan mo nga ako” saway niya dito.

“whoa, tama ba ang narinig ko? Sinasaway mo ko? Damn, what’s happening to you? Hindi ka naman ganyan ah, palagi mo lang kaming pinagbibigyan ni Bridgette at hindi ka nagagalit samin kahit anong asar ang gawin namin sayo dahil nga kuya ka” litanya nito tapos ay pumaling sa kanilang ina. “Ma, may sakit si Migz!” tatawa – tawang sabi nito. Lalo pa itong tumawa ng tapunan niya ito ng masamang tingin.

“Matt, tama na yan, hayaan mo na muna ang kapatid mo.” saway din ng ina nila dito. Napailing nalang siya. Akala pa mandin niya ay talagang nag mature na ito, hindi parin pala.

Ipinagpapasalamat niya ang pag tawag ng asawa nito rito dahil talagang tinigilan na siya nito.

Bumuntong hininga siya.

Ikinulong niya ang mukha sa palad, mababaliw na yata siya.

XXXIV

 

 

Palagay niya ay nandyan na si Bridgette dahil tumunog na ang door bell niya. Pinagbuksan niya itong agad ng pintuan.

She really looks cute, with her hair in ponytail. White shirt with Thirty Seconds To Mars print on it, faded jeans and red sneakers, her nails painted black, eyes in heavy eye liner, a triad pendant and lots of wrist bands. A rocker cute doll.

“Hi Ate Aya!” masiglang bati nito sa kanya tapos ay bigla itong yumakap sa kanya.

“hey, Bridge, come in.” sabi niya habang nakayakap ito sa kanya.

“Thanks Ate!” kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at dumeretso ng upo sa sofa niya.

“ate, san mo gustong pumunta? Mag mall kaya tayo? Tapos nuod tayo ng movie? Okay lang ba sayo?” dere – deretsong sabi niya sakin.

“yeah sure, kung anong gusto mo, okay lang sakin” nakangiting tugon niya dito. “uhm, gusto mo ba ng juice?” tanong niya dito.

“wag na ate, di naman ako nauuhaw eh”

“okay, wait lang ha, magbibihis lang ako”

“sige ate, take your time, manunuod ako ng TV ha” paalam nito sa kanya.

“sure dear, feel at home” sabi niya at pumasok na siyang muli sa kwarto para magbihis.

Makalipas ang sampung minuto ay lumabas na siya ng kwarto, nanunuod si Bridgette ng Oggy and the Cockroaches. May namuong bikig sa lalamunan niya, nanunuod din si Migz ng cartoons na ito. Ano bang meron sa palabas na ito? Umiling na lang siya.

The UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon