Chapter 30

4.2K 111 11

Hebe

"May problema ba?" tanong sa akin ni Kiro matapos niyang lagyan ng kanin ang pinggan ko "Masyado ka bang napapagod sa pagtratrabaho? Pwede ka ng mag resign Hebe, malapit na akong makabalik sa pagmamaneho..."

"A-Ah..." umiling ako "Hindi naman Kiro, napagod lang siguro ako ngayong araw pero normal lang kasi maraming gawain sa opisina..." sagot ko "Isa pa hindi natin kakayanin ang mga gastusin kung bibitaw pa ako, alam mo namang lumalaki si Chloe kaya yung gastos natin ganun din.." huminga lang siya ng malalim

"Hindi ka ba pinapahirapan ng boss mo masyado?" tanong niya saka umupo na rin, inabutan niya si Chloe ng ulam nito.

"H-Hindi... hindi naman Kiro..." saka ako sumubo

"Di bale kung nakabalik na ako sa pamamasada ako na mismo ang maghahatid sa iyo sa trabaho..." saka siya ngumiti sa akin "Saan nga ulit yung pinapasukan mo?" halos mabilaukan ako sa tanong niya, hindi ko pa kasi sinasabi na kila Sky ako nagtratrabaho.

"A-Ah... sa isang construction firm sa Makati..." sagot ko sa kanya, tumangu-tango siya saka kumain na rin.

"Kumusta na ang pag-aaral Chloe?" baling ko sa anak ko

"Okay naman po Mama, may stars nga po ako eh..." saka niya pinakita sa akin ang tatlong star sa kamay niya, sinuklian ko siya ng ngiti

"Very good... You better study very well kasi yan lang maipapamana namin sa iyo ng Tito Tatay mo..." saka siya ngumiti sa akin

---

Tinignan ko ang orasan ko, malapit ng mag 11 am, malapit na rin matapos itong pino-photocopy ko "HEBE!" tawag sa akin ni Renz "Kumusta?" saka siya lumapit sa akin, nginitian ko lang siya,.

Siya kaya yung nagbigay sa akin ng mga regalo? Pero bakit naman niya ako bibigyan eh kakakilala niya lang sa akin, saka bakit hindi na lang niya sabihin? Bakit kailangang patago pa?

"Okay lang, ikaw?" tanong ko sa kanya saka kinuha ang huling bond paper na niluwa ng machine

"Okay lang din, medyo rush mga trabaho ngayon eh pero kaya naman..." saka siya ngumiti sa akin at hinawi ang buhok, tinignan ko lang siya ng mabuti mukhang normal lang naman sa kanya ang lahat, siya ba si Ciel?

"Ah ganun ba?" sagot ko sa kanya, tumango siya at akmang aalis na ako ng bigla siyang nagsalita ulit

"May kasama kang mag lunch? Tara lunch tayo!" napatingin ako sa kanya sasagot na sana ako ng biglang tumunog ang speakers at rinig yun sa buong building

"Paging to Miss Hebe Collantes please proceed to the CEO's office immediately... I repeat paging to Miss Hebe Collantes please proceed to the CEO's office immediately..." napayuko ako bigla dahil nakita ko ang bulong-bulungan ng iba pang empleyado, baki kasi kailangan i-paging pa? May nagawa ba akong kasalanan? Ganun ka urgent?

"Are you okay?" tanong ni Renz sa akin "May nagawa ka bang kasalanan?"

"W-Wala..." sagot ko agad "Wala naman ata...sige aalis na ako..." dugtong ko saka nagpaalam na rin agad.

Halos lakad takbo ako para lang makarating agad ng opisina ni Tita Sof, hingal na hingal pa ako ng binuksan ko ang pinto "M-MAM BA-" nakita ko doon si Sky na nakaupo sa swivel chair ng Mommy niya habang nilalaro iyon, nagtatawan sila ni Sir Angelo habang nagpapalipad ng de-remote control na laruang eroplano si Sir Angelo.

"HEAD DOWN!" sigaw niya sa akin, agad rin akong yumuko ng makita kong papalapit na sa akin yung laruan niya, tumawa tawa siya sa naging reaction ko tapos nakita ko na ang paglipad ng magazine sa mukha niya!

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!