Chapter Two

5.1K 191 2
                                    

Jade's POV

I'm lying in my bed when i remembered Althea's face. She's really pretty and charming. Oh gosh! Why I still thinking of her? Actually that day i'd saw a vacant seat on the other corner of the canteen area. But when I saw her alone? I can't resist myself to approach her. What a weird day?!

Peejay calling....

"Urg! How many times you will call huh? I'm not in the mood to talk to you Peejay Ramirez." I turned off my cellphone. Nakakaloka! Kaya nga ako lumipat sa school ng bestfriend kong si Sally dahil sa kataksilan niya. Ginawa niya akong tanga. Pinaniwalang ako lang ang magiging babae sa buhay niya. Ako naman itong si tanga nagpauto. Pwes! I'm not gullible anymore Peejay.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako kinaumagahan sa malakas na alarm ng alarm clock na nakapatong sa bed side table. "Shit!" Agad kong pinatay iyon at bumangon na ako at naligo. Mag-isa lang ako sa Condo ko. Kahit separated na ang parents ko ay hindi naman nagkulang ang daddy ko financially sa akin. Meron akong two half brother sa Mommy ko at one half sister naman kay Daddy. Kung minsan kapag hindi ako busy ay pumapasyal ako sa Mommy ko na ang bahay ay nasa Laguna. Kapag mahaba naman ang bakasyon ay sa Daddy ko naman na nasa London ako nagtutungo. Ito na nga lang Condo ang maituturi kong tahanan ko sa totoo lang. Kahit alam kong nasa paligid ko lang silang pamilya ko, pakiramdam ko mag-isa pa rin ako. Ang hirap kapag hindi buo ang pamilya. Wala kang napagsasabihan ng mga problema mo. Mabuti na nga lang nandiyan si Sally. Hindi niya ako pinababayaan.

As usual kina Sally na naman ako makikibreakfast. Nagsimula yon nang lumipat ako ng school one month ago. Buti na lang at pareho kami ng kaibigan ko ng hilig, fashion designs. Bilang ganti ay ako na ang naghahatid-sundo sa kaibigan ko. Nabawasan tuloy ang trabaho ng driver ng Mommy niya.

"Good morning Tita Sandra." Sabay halik ko sa pinge nito.

"Good morning iha.. Maupo ka na dito. Pababa na ang kaibigan mong si Sally." Sabi naman nito bago humigop ulit ng kape.

"Sige po Tita salamat." Naghila na ako ng upuan at naupo.

"Hi Jadey!" Masayang bati ng kaibigan kong si Sally. Humalik ito sa pisnge ko. "Good morning!"

"Good morning din sayo." tugon ko naman habang nakangiti.

"Good morning Mom!" Sabi nito sa ina na humalik din sa pisnge.

"Good morning anak." tumingin ito sa suot na wrist watch. "Anyway I'll go ahead girls. Marami pa akong kailangang asikasuhin sa opisina ko."

"No problem po Tita. Ingat po kayo." tugon ko.

"Alright, Mom! Just take care."

"Thank you girls. Uhm.. By the way Jade." Pihit ulit nito sa akin. "Yes Tita?"

"Why don't you move here na lang kaysa nag-iisa ka lang sa Condo mo? At least dito may mga titingin sayo. Nandito si Sally na kaibigan mo. Hindi ka na rin naman iba sa akin iha."

"Naku! Salamat po Tita pero okay naman ako doon sa Condo ko. Tama na po yong nakikikain ako sa inyo paminsan-minsan."

"Sus! Itong batang ito. Siya ikaw ang bahala pero once na magbago ang isip mo iha. Welcome na welcome ka dito sa bahay.

"Sure Tita.. Many thanks po! I appreciate it."

"Alright! Drive safely Jade. Don't go anywhere after school, okay? Kundi makukurot ko kayo ni Sally sa singit." Kahit kailan talaga ay nakapaka-strict pa rin ni Tita Sandra. "Opo Tita.." Sabi na lamang niya. Nagkatawanan kami ni Sally nang makaalis na ito.



Althea's POV

Kasama ko ngayon sina Benjamin, David, Wila, Batchi at Abby sa paborito naming tambayan kapag walang klase. Sa may ilalim ng puno ng akasia na may sementong bench na pabilog. Mga childhood friend ko sila at itinuturing kong barkada. Ang mismong bestfriend ko ay sina Ben at Batchi. Minsan lang kami magkatipon-tipon ng ganito. Kung minsan ay si Ben lang palagi ang nakakasama ko.

"Guys nakita nyo na ba yong isang bagong transfer na hot chick? Grabe ang ganda nya." Sabi ni David na nakaagaw ng aming atensyon.

"Ay! Oo David." Sagot naman ni Batchi na ikinasama naman ng tingin ng girlfriend na si Abby. "Oh! Mahal naman e.. Hindi kita ipagpapalit, okay? Sinang-ayunan ko lang ang sinabi ni David. Kasi maganda naman talaga. Yon lang yon. Pero siyempre mas maganda ka pa rin sa paningin ko." Anitong may pagkindat pa sa nobya. "Dapat lang Batchi dahil kung hindi dudukutin ko yang mga mata mo." Nagtawanan silang magkakaibigan. "Ang brutal ng mahal ko." Dagdag pa ni Batchi habang nilalambing ang nobya. "Tse!" Irap naman ni Abby.

"Ang OA nyong magjowa. Pwede ba!" Mataray na sabat naman ni Wila na palaging naka-beast mode. siguro ipinaglihi ng kanyang ina sa sama ng loob.

"Hoy! Ikaw Wila huwag mo ngang idaan sa pagtataray ang pagiging bitter mo sa jowa mong unggoy. Subukan mong magmahal ng aso baka doon ka liligaya." Sagot naman dito ni Batchi na medyo natatawa. Kahit kailan talaga ay parang aso't-pusa itong dalawa.

"Kasing aso nitong si David? Hindi na noh! Magtitiis na lang ako sa unggoy." Ang lakas ng tawa ni Batchi habang kami naman ni Ben ay tahimik at nakikitawa lang sa kulitan nila.

"Grabe ka sa akin Wila!" Sagot naman ni David. "Ang gwapong aso ko naman. As if magkakagusto ako sayo. Hello! May taste kaya ako." Sa halip ay inungusan lang ito ni Wila.

"Tama na yan guys baka magkapikunan na naman kayo." Saway naman ng katabi kong si Ben.

"Brad! Mag-aalas dos na. Baka ma-late tayo sa klase natin." Sabi ni David kay Ben na agad ding tumayo. "Oo nga Brad! Tara na.. Best mauuna na kami ni David sa inyo. Guys mauuna na kami ha?"

Tinanguan lang ang mga ito ng iba nilang kaibigan. "Sige goodluck Best. Text mo na lang ako mamaya." Sagot ko kay Ben.

Nakangiti naman itong tumango bago umalis. Magkaklase silang dalawa ni David sa kursong Architecture habang si Wila naman ay Business Administration major in Marketing at sina Batchi at Abby naman ay BS-Nursing. Sa akin lang ang naiiba since ako lang naman ang mahilig magluto sa kanila.

"Crushy!!!" Rinig kong irit ng isang babae sa tagiliran ko. Napatingin ako kay Batchi na tila nanlaki ang mga mata at napanganga. Nakakunot ang noo ko nang lingunin ko ang tinitingnan nito. "J-jade?" Gulat na sambit ko. Hindi ako makapaniwala.. ano raw crushy? Ang mga kaibigan ko ay puro nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin. Patakbong lumapit ito sa amin.

"Hi Guys! I'm Jade nga pala friend ni Althea." Pagpapakilala nito ng sarili sa aking mga kaibigan at ang tamis ng pagkakangiti nito. Jusko! Pinagpapawisan tuloy ako.

"Uhm.. Jade mga kaibigan ko. Ito si Batchi at si Abby naman na girlfriend niya at ito naman si Wila."

"Hello sa inyo." Kaway nito. "Pwede bang maki-join? Ito kasing bestfriend ko na si Sally kasama ang boyfriend. Ayoko namang ma-OP, buti na lang nakita kita dito Althea."

"Ah.. Oo naman Jade. Halika maupo ka." Pinaupo ko ito sa aking tabi na pinagpwestuhan kanina ni Ben. Hindi pa rin makapagsalita ang mga kaibigan ko. Nagtatanong pa rin ang mga matang nakatingin sa akin. "Are you okay guys? Parang ang tahimik nyo?" Sabi ulit ni Jade.

"Ano nga ulit yong itinawag mo kay Althea kanina?" Tanong dito ni Wila na pasimple kong pinanlakihan ng mata. Ngunit inirapan lang ako ng bruha.

Magsasalita na sana Jade pero inunahan ko. "Ah.. Ganyan lang talaga si Jade. Mabiro! Di ba Jade?"

"Oo naman nagbibiro lang ako guys." Nakangiti nitong sagot.

Tinaasan naman ito ni Wila ng kilay. "Ikaw ba yong transferee na tinutukoy ng mga ugok kong kaibigan kanina?"

Napatingin ito sa akin saka muling bumaling kay Wila na napangiti. "Hmm.. maybe ako nga. Bakit may problema ba?"

"Kasi yong isa nameng kaibigan na si D---"

"Jade nagugutom ka ba? Tara sa Canteen." Biglang aya ko kaya hindi naituloy ni Batchi ang sasabihin. "S-sige.. Tara!" Agad ko na itong hinila patayo. "Guys may klase na kayo maya-maya. Maiiwan na naman akong mag-isa dito. Kaya mauuna na kami sa inyo ni Jade."

Napatunganga lang ang mga kaibigan ko sa akin. Ngunit hindi ko na lang sila pinansin.



To be continued...




















CRUSHY  BABEWhere stories live. Discover now