1

10 1 0
                                        


First semester
Enrollan naaa

To: Tinah
Huy san ka na?

Send.

From: Tinah
Dito na ko sa campus, san ka? Pucha haba ng pila, Pilapinas nga naman!

To: Tinah
Gagi ka kasi e, tara dito sumingit ka, dito ko sa may hagdan bobo

From:Tinah
Otw

"Hoy! Aga mo a" Tinah, eto na pala sya

"Huy bawal maningit! Ang daya!" Sabi ng nasa likuran namin, naka gray na jacket si kuya na may nakasulat na airmax

"Sinong may sabe ha!?" -tinah

"Ako bakit!? Tatawagin ko yung guard! 2 hours na kaming nakatayo dito, sisingitan mo lang kami!" Sagot ni kuya, naki-oo naman ang iba sa likuran namin

"Alam mo ba kung san pa ko galing! Galing pa kong Pampanga kuya!"

"Wala akong pake! Guarrrd! Hulihin nyo po to!"

"Anong meron dito? Sorry miss pero bawal talagang maningit, maging patas ka naman sa iba." Manong guard

"Dito na lang ako manong, wala kong kilala dito kundi tong katabi ko!" -tinah sabay turo sakin

"Miss, palipatin mo na yang kaibigan mo, hintayin mo na lang sya." Manong guard

"Huy alis na" taboy ko kay tinah

"Anong klase kang kaibigan!" -tinah

"Hihintayin kita promise!" Sabi ko

"Alis na daw uy alis na!" Kuyang nasa likod sabay tulak sa kanya

"p0tapot*" -tinah

"Hala manong o, nagmumura pa!" Kuya sa likod

"Teka teka yun sa tagalog buguk! Wala ka kasing alam!" -tinah sabay alis

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Hoy tinah ayusin mo nga mukha mo, para kang gurang jan! Sabay na nga tayo diba? Hinintay na kita, ano pang hinihimutok mo jan?" Sabi ko kay tinah

"Pano ba namang di magiging ganito mukha ko, e ang haba ng pila, ang tagal! Tapos katabi pa natin tong buguk na to! Sa dami ng estudyanteng mageenroll eto pa nakatabi ko!" -tinah na nagiinit na ang dugo

"Excuse me miss, pero mas nauna ako sayo, sinusundan mo ata ako e." Kuyang nasa likod namin kanina sa first step sa pila, na hanggang ngayong step 10 na e, kasabay pa din namin.

Kanina pa sila nagaaway na dalawa na yan. Gusto ko na nga paguntugin e, nakakahiya sa mga katabi namin.

"Wala na kong masabi, huy Miyo ikaw na sumagot dito, yung pinakadabest mong trashtalk bilis!"

"Hahaha! Wala ka pala e, asar talo! Palibhasa wala ka namang alam e!"

"Anong walang alam! Best in writing ako mula kinder hanggang fourth year no! Loyalty award pa ng 3x, kapal mo! Tanong mo pa dito e" -tinah sabay turo sakin hays

Pero totoo naman yung sinabi nya. Best in writing at loyalty awardee talaga sya lagi mula kinder hanggang high school.

"Wala kang kwenta! Bilib ka na dun, wala ka saki--" di na natuloy ni kuya yung sasabihin nya

"Takte ang ingay nyong dalawa!" -sabi ko, sabay pinaguntog sila. Literal. Sabay kuha ko ng posas na bigay ng kuya ko na lagi kong baon sa bag ko, at pinosasan sila. Literal.

"Kingina! Ano ba to! Alisin mo to nakakairita!" -Kuyang naka-airmax (ang jacket)

"Hoy Miyo! Alisin mo to, kundi liligawan ko na talaga kuya mo!" -tinah

"Gawin mo ang gusto mo, gagawin ko ang gusto ko, ingay nyo."

Hanggang sa nakapag-encode na kami para sa mga subjects namin nakaposas silang dalawa.

Ang nakakatawa pa, parehas sila ng course. At ilan pa sa mga subjects nila ay magkaklase sila. Hahahahahaha goodluck!

Hays kaugali ni kuyang to si Harvey ah. Kaaway din parati si Tinah. Speaking of Harvey, nasan na kaya yun. Si Michie?

Nagsusumbong man sila sa mga nakakasalubong namin dahil sa pinosasan ko sila. Wala silang magawa dahil sinasabi ko sa mga sinusumbungan nila na, nabuntis nung lalaki si Tinah, at si Tinah naman ay gustong lumayo at alagaan ang anak nila ng sya lang. Galing diba? HAHAHAHAHAHA

"Kinginuh mo Miyo! Lagot ka sakin paguwi! Lilipat na kong school yoko na dito!" -tinah

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Nandito kami ngayon sa Cafeteria ng campus. Ililibre ko yung dalawa ng lunch. Syempre, nakokonsyensya din ako sa pinagagawa ko sa kanila, kaya ililibre ko sila. Tutal kanina pa sila nagpaparinig na gutom na sila.

"Oh, kain na kayo." sabay lapag ko ng pagkain sa kanila

"Wow salamat Miyo! Mabait ka pala e, di tulad ng kaibigan mong buguk!" -Kuyang, alam nyo na.

"Sinong buguk ha?!" Binatukan ni tinah si kuya (alam nyo na) gamit ang kaliwang kamay nya

"Aray! Buguk na to, bat ka namamatok ha!" Gumanti din ng pambabatok tong isa

"Di ko kayo pakakawalan hanggat hindi kayo nagbabati! Para kayong mga bata!"

"Hoy! Magbati na nga tayo, nang makauwi na." -Kuya alam nyo na

"Kingina kanina pa nga ako naaapura jan sa jacket mo e! Ang init init na nga! Tsaka kelan pa naging jacket ang airmax! Bobo lang! Hahahaha" - tinah

"Kingina mo din! Padala pa to ng ninang ko galing Singapore no! Mahiya ka naman."

"Bahala nga kayo jan, uuwi na ko, pakalas nyo na lang yan sa talyer" sabay tayo

"Huy wag! Bati na nga kami e!" -sabay nilang sabi

"Weh? Patingin?"

"O ayan, bati na kami o, kita mo naman diba, o alisin mo na kingina." -kuyang naka-airmax (ang jacket) habang pilit pinagdidikit yung pisngi nilang dalawa. Hahahahahaha

"Hahahahaha, yan! O aalisin ko na! Basta wag nyo ko sakalin pagkatapos nito ha."

At kinalas ko na nga yung posas. Sabay takbo naman ni kuyang naka-airmax ang jacket. Sabay dila samin, at... Napatid lang naman sya sa may pintuan. Hahahaha gagi

"Buguk mo airmax boy! Hahaha" -tinah na tawa ng tawa

Tumakbo na lang si airmax boy palabas ng cafeteria dahil sa sobrang kahihiyan.

"Ahahahahahahahaha ampupu ahahaha buguk talaga. Hue sana di ko na yun makita dito!" -tinah

"Huy tama na yan, mamaya mainlove ka dun."

"Inamez Miyo! Buyset ka!!!" Sabay habol sakin

Tumatakbo ako palabas ng caf ng may nakabangga ako

"Ay sorry ku--."

"Mag-ingat ka nga."

Pero pagtingin ko kung sino yung nakabangga ko.

"Huy Miyo bat ka natulala jan?"

"He's back."

Bumalik sya.

xxxxxxx
Wew

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : May 24, 2016 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

I would'nt mindDes histoires addictives. Découvrez maintenant