Chapter 28

3.6K 96 2


Hebe

Mahigpit ang pagkakapikit ko, nakahawak ako sa sink habang nagdadasal na matapos na siyang maligo, nakalipas na ang labing limang minuto pero hindi parin siya tapos, naririnig ko pa siyang pasipol sipol "Sky..." bulong ko habang ang pawis sa noo ko ay nag uunahan sa pagtulo

"Oopss... I run out of shampoo, can you please pass one to me?" ANO? LABING LIMANG MINUTO NA SIYA SA LOOB HINDI PA SIYA NAKAKAPAGSHAMPOO? "It's in the cabinet below the sink..." rinig kong sabi niya, binuksan ko iyon saka tumambad sa akin ang mga supply niya ng shampoo, sabon, facial wash, facial scrub, bath salt, after shave mask, shower gel at kung anu-ano pa!

Kinatok ko ang frosted shower room niya, lumakad siya palapit sa may salamin kaya naman nanlaki ang mata ko at umiwas ng tingin, mas malapit mas malinaw! Nananadya ka ba Sky? "I-Ito na po..." napalunok ako ng narinig kong nagbukas ang pinto at naramdaman ko ang basa niyang kamay ng inabot niya ang shampoo

"Oopss... I forgot, can you hand me the shower gel?" Sabi niya, agad agad naman akong kumuha habang nakayuko

"Thank you BE!" deep and husky ang boses niya, napalunok ako

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang pagpatay niya ng shower, sa wakas! "Sorry to keep you waiting..." bigla akong napatingin sa kanya, para akong nasemento sa kinatatayuan ko ng makita ko siya, ang basa niyang buhok habang ang mumunting likido ay naglalakbay sa hubad niyang pang itaas

Pati ang mata ko hindi na kumukurap! Nakatapis lang siya ng puting twalya sa ibaba, messy pa ang buhok niya at mamasa-masa. Naglakad siya papalapit sa akin. Napaatras ako. Nakangisi siya habang tinitignan niya ako mula ulo hanggang baba.

"Oohh..." usal ko ng napasandal na ako sa sink niya, nag-iinit na ang buo kong mukha... hindi..b- buo kong katawan pala!

Hindi na matanggal ang mata ko sa medyo basa niya pang upper body. Ganito na pala ang built niya, lagi pa siyang nag gi-gym? Tumigil siya sa tapat ko, oo! Kinorner niya ako sa sink.Halos wag wala na ang puso ko ng nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, I bit my lower lip, nanunuyo na ang lalamunan at ang mga labi ko! Halos mabingi na rin ako dahil sa tibok ng puso ko!

Anong gagawin mo Sky? Nailagay ko ang dalawang kamay ko sa harap ng aking dibdib. Mas lalo siyang lumapit sa akin... Sobrang lapit na pati ang hininga niyang napakabango, amoy na amoy ko na!

Bumibilis na rin ang paghinga ko, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Hindi ko na kaya ito! Napapikit ako ng madiin saka inantay ang susunod na mangyayari "Excuse me...I will not reach my toothbrush if you're going to stand there..." bulong niya

Para akong kinuryente dahil sa ginawa niya, napamulat agad ako ng tingin at nakita ko ang nakangising mukha ni Sky "Pero kong gusto mong andyan ka habang nag totoothbrush ako... It will be my pleasure..." saka ko siya tinulak.

Tinanggal ko agad ang kamay ko sa katawan niya, para akong kinukuryente! Lang hiya talaga! Bakit ba kasi ganito ang dating mo sa akin Sky? Nakakainis na! Narinig ko siyang tumawa na kinakunot ng noo ko, halata namang inaasar niya ako eh!

"Your face is damn red..." saka niya pa sinundan ng malutong na tawa, namumula na rin ang ilong at tenga niya dahil doon!

"IKAW!" duro ko sa kanya habang nangigigil, huminga ako ng malalim para pigilan ang sarili ko

"Do you have a crush on me, huh BE?" tanong niya sa akin habang naglalakad papalapit, nag-init ang buo kong katawan dahil sa tanong niya! "What?" nilapit niya ulit ang mukha niya sa mukha ko, hindi na normal ang paghinga ko, walang hiya ka talaga Sky, papatayin mo ako... papatayin mo ako sa-

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!