Hi love

1.3K 8 0
                                        

Hi love 😘 Kamusta ka na? Sana okay ka lang :D Di ko alam kung pano ko sisimulan to ee. Parang pagmamahal ko sayo. Di ko alam kung pano nagsimula pero ngayong nagsimula na hindi ko ka mapigilan, tuloy tuloy na. May oras na matatapos na to pero ang pagmamahal ko sayo hinding hindi matatapos :* Pangako yan. Itaga mo sa bato. Oo marami ng nangako sayo, oo alam ko lahat yun napako pero ibahin mo ko sakanila. Ikaw ang pangarap ko noon palang at ngayong nasakin ka na hindi kita iiwan :* Iniisip ko noon kung paano at kailan ka mapapasakin. Pag tumahol ang pusa? Pag nag meow ang aso? Pag nakalipad ang baboy? Kelan kaya? Kung titignan mo parang napaka impossible na maging tayo. Pero hindi ko inaakala na mangyayari lahat ng to. Na magiging tayo :) Kaya ngayon ang iniisip ko na kung pano pa kita mamahalin ng lubusan :* Sayo ako naging masaya kaya sana wag mo akong sasaktan. Maaaring matapang akong tignan pero sa kaloob looban ko takot akong masaktan at makasakit mg iba. Gago ako oo, mahilig mantrip, malaro pero hindi ako naglalaro ng damdamin ng iba alam mo yan. Huwag mo sanang isipin na lolokohin kita at ipagpapalit sa iba. Never ko pang ginawa yun :* Tsaka kung ang isang bagay napasayo na wag mo ng pakawalan. Matagal kong hinintay tong pagkakataon na to kaya hindi ko na to palalampasin. Maaaring paglipas ng panahon maging isang alaala mo nalang ako pero maipapangako ko sayo na isa ako sa magiging pinakamasaya mong alaala sa buhay mo at hinding hindi mo makakalimutan ❤ Mahal na mahal kita oo pero hindi natin masasabi ang mga pwedeng mangyari. Kaya sana kahit anong mangyari wag mo kong iwan. Hindi ko kasi kaya. Hindi ko kayang makita ka na may kasamang iba pagdating ng panahon. Maging masaya ka sana sakin kahit na ganito lang ako. Hindi ako perpekto pero kaya kitang pasayahin at mahalin ng walang halong biro 💋 Tiwala lang tatagal tayo 👌 Kahit na ano pang sabihin nila ikaw lang talaga at wala ng iba ❤ Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa to pero gusto ko lang sabihin sayo kung gaano kita kamahal :* Maaaring hindi sapat na hanggang ganito lang pero try mong sumama sakin ng maramdaman mo kung gano kasarap magmahal ang isang katulad ko. May nagtanong sakin dati kung paano daw kapag iwan ako nung ex ko. Alam mo nakasagot agad ako na "hindi ko kaya, masasaktan ako" pero nung tinanong nila ako ngayon kung paano daw kapag iniwan mo ko, alam mo? Napatahimik ako. Medyo nangilid luha ko. Kasi kaya ko pala na mawala sila pero ikaw di ko kaya na mawala ka. Napasaya man nila ako pero mas napasaya mo ko :* Sayo ko naranasan na maging prinsesa. Magkaiba kasi ang importante sa priority. Maaring importante ako sakanila noon pero hindi ako ang priority nila. Pero sayo ko naramdaman na maging importante at priority mo ❤ Pero WALANG FOREVER 🌵 Jk. Forever? Yun yung bagay na hindi natin pinaniniwalaan pero gusto nating maranasan ❤ Sana ikaw na nga. Sana ikaw na forever ko. Hindi man ako ang una mo pero sana ako ang maging huli mo. Kaya mo naman diba? Kasi matagal na kitang kilala pero alam ko at alam mo na napangiti kita ng kakaiba na para bang minsan lang makita ng mga tao sayo. Yung totoong ngiti at puno ng saya. Di ko alam ee, nakalunok ka ata ng paputok. Kasi yung ngiti mo may spark 😍 Nabighani ako noon sa ngiti mo pero mas lalo akong nabibighani ngayon. Kung hindi ka nila tanggap dahil ganyan itsura mo hayaan mo sila. Tanggap na tanggap naman kita. Promise peksman 💯 Ohwell, sorry kung nawawalan na ako ng oras sayo pero ang pagmamahal ko sayo hindi mawawala :* Dadating ang araw na lahat ng oras at atensyon ko sayo na mapupunta. Mahihintay mo ba yung araw na yun? Sana oo. Gusto kong makapunta sa iba't ibang lugar na kasama ka. Gusto kong tumira sa isang bahay na tayo lang dalawa. Gusto ko... Ang dami kong plano kasama ka. Sana hindi hanggang plano lang yung mga yun. Tayo lang diba? Hanggang huli. Sana walang sumingit na "sya" para hindi mawala yung "tayo" ❤ Sige na tatapusin ko na to. Alam ko nalang mas gusto mong maramdaman at makita kesa marinig at mabasa lang lahat ng yan :* Pero eto lang tanong ko sayo. Sagot agad ha! Akin ka ba? O sayo ako?

OPEN LETTERحيث تعيش القصص. اكتشف الآن