Chapter 3 - Offcam

8.7K 179 5
                                    

Kath's POV

Sa kasalukuyan, Bestfriends parin kami ni Dj. Pero hindi lang Bestfriends. M.U din. May understanding na kami. Understanding na dapat kaming dalawa lang. Sakanya lang ako at akin lang sya.

Liniligawan nya na ko since nag-18 ako. Pinayagan na sya ni mama e. Pero hindi ko pa sya sasagutin. Masyado pang maaga. Hahaha mamayang gabi nalang. Joke.

So as I was saying, M.U kami na level up. Hindi lang basta M.U na kagaya ng iba. Yung samin, bawal na syang manligaw ng iba, bawal na din akong magpaligaw pero hindi pa kami. Pero parang kami na pero hindi pa talaga. Ay, ewan!

As of this moment, nagta-taping kami for Pangako Sayo. Wala pa si direk kaya pinuntahan muna ako ni Dj. Hindi sya mapapakali ng hindi nya nahahawakan yung ilong ko.

"Babe?" tawag niya sakin.

"Yes?"

Ganyan lagi yung conversations namin. Parang may tono ng paglalambing.

"Kiss muna," he said.

"DJ, wag dito," I whispered.

"Aw, sige na nga. Sorry," nakasimangot niyang tugon.

Pero maya-maya, kiniss ko siya ng mabilis. Agad namang napalitan ng ngiti ang labi niya. Nang dumating na si Direk ay nasimula na kaminh mag-taping.

"And cut!" sigaw ni Direk.

Magc-cr na sana ako nang tawagin ako ni DJ.

"Bal!"

Sumenyas pa sya na lumapit daw ako. Lumapit ako tapos sinenyasan nya nanaman ako na kumalong sakanya. Kumalong na ako. Alam nyo yung turing sakin ni Dj? Parang baby!

"Mabigat ako?" tanong ko habang nakakalong ako sakanya.

"Oo."

"Sige aalis na ko. Ayoko namang mahirapan ka," pangaasar ko.

"Pero mas mabigat parin ang pagmamahal ko sayo," banat naman niya.

Napangiti nalang ako. Kahinaan ko yan e, yang mga banat niyang ganyan.

Kaya tuwing oncam, kapag bumabanat si Dj, nagkukunwari akong naasar sakanya pero deep inside..

"Mahal mo ba ko?" paglalambing nanaman nya.

Araw-araw nyang tinatanong yan. Umiling ako.

"Huy. Mahal mo ko?" paguulit niya.

"Nope," pagkukunwari ko.

Tumahimik sya tapos sinandal nya yung ulo nya sa likod ko.

"Joke lang!"

Bigla naman siyang tumawa. Kinakantahan nya ko ng "Morning girl" in a soft tone tapos kinakagat nya yung tenga ko. Parati nyang pinanggigilan yung tenga ko. Ganyan sya, sobrang clingy pero may respeto.

Yung mga staffs dito, sobrang sanay na na ganto kami. Sa araw araw ba naman.

"I love you bal," nanggigigil nanaman sya.

"I love you too!"

Sa loob ng almost 4 years, sobrang sanay na ko kay Dj. Hindi na ko nahihiya sakanya. May tiwala na ako sakanya. Ganun din sila mama kay Dj.
Pagkatapos ng taping, hinatid nya ko sa bahay pero dumiretso muna kami sa rockwell para bumili ng mga damit.

Maraming nagpapicture. Ayun almost 3 hours kami doon ni Dj kasi hindi ako makapili ng damit.

"Bal uwi ka na."

"De sige antayin na kita," aniya.

Mukhang kanina pa kasi sya naiinip.

"Sige na uwi ka na! Gabi na oh," pagpipilit ko.

"Eh ano kung gabi?"

"Wala lang. Dapat matulog ka na ng maaga!"

"Bal? hihintayin na nga kita."

"Ang kulit mo."

"Bakit ba? Gusto mo samahan kita sa fitting room?" pangaasar niya.

Inirapan ko nalang sya. Tinawanan nya naman ako.

"Hokage ka, Padilla!" sigaw ko.

Pagkatapos naming bumili ng damit, kumain muna kami. Pagkatapos ay umuwi na. Hinatid pa nya ko hanggang sa loob ng bahay.

"Hi Lhexine!" bati niya sa pamangkin ko.

"Onong!" nakangiting sigaw ni Lhexine nang makita ang ninong niya.

Nakipaglaro muna sya kay Lhexine. Nag-goodbye hug sya bago umalis.

"Kiss ko?"

"Hoy Daniel!" pangaasar ni mama.

"Joke lang mama Min!"

"Umuwi ka na!" ani mama.

"Kiss muna mama!"

"Hahaha uwi na!" natatawang sambit ni mama.

Nung nakaalis na sya, tinext nya ko.

"I love you. See you tomorrow. Ingat ka. God Bless, bal. I love you ulit. Take care ulit. Hahaha papakasalan pa kita!"

napasmile naman ako doon.

Soon to be Mrs. Ford Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon