Chapter 23

5.1K 130 2


Hebe

"You should grab your meals na Miss Hebe..." payo sa akin ni Miss Liz, pagkatapos kong dalhin pabalik ng office ang mga pagkaing binili ko. "Mamaya lang tatawagin kana ni Mam Sophie and the way it looks like, may problems sa site, marami nanamang mawawalan ng trabaho and I don't think na gusto mong mapasama doon dahil lalamya-lamya ka mamaya..." saka niya ako kinindatan

Ganoon ba talaga nakakatakot si Tita Sof?

"Hi!" bati ng isang lalaki mula sa likuran ko, nasa cafeteria kasi ako habang kumakain ng sandwich at umiinom ng softdrinks "Yan lang kakainin mo?" tingin niya sa hawak ko

Ngumiti ako sa kanya "Ah, hindi ko feel mag heavy lunch ngayon eh..." sagot ko

"Buti na tatandaan mo pa ako..." sabi ni Renz saka tumingin sa vacant na upuan sa harap ko

"Sige you can sit there!" aya ko sa kanya "Wala naman akong kasama..." ngumiti uli siya sa akin sabay suklay ng clean cut hair niya!

"Nakakahiya talaga kanina, hindi naman pala ako yung tinutukoy ng Department head namin..." simula niya ng nakasimangot "Akala ko talaga... Si Sir kasi!" sabi niya, kaya lihim akong nangiti.

"Baka akala niya ikaw, baka katunog ng pangalan mo..." sagot ko

"Anong kinalapit ng pangalan kong Renz sa Marco?" tanong niya sa akin saka nag smirked "Kung hindi ko lang siya boss... Tsk!" sabi niya saka ininom ang hawak na juice

"Just forget about it wala ka namang dapat ikahiya sa akin..." sagot ko sa kanya

"Hebe right?" saka ako tumango "Bagay sa iyo ang pangalan mo!" saka siya ngumiti

"Bolero ka pala!" sagot ko sa kanya saka kumagat sa sandwich na kinakain ko

Nagkwentohan kami ni Renz hanggang mag time na at kailangan ko ng bumalik sa taas. Nag insist siya na sumabay sa akin kasi same floor lang din kami. Marami siyang kwenento, from nung unang araw niya dito hanggang sa magtagal siya at makasurvive sa kamandag ni Tita Sof.

Natatawa lang ako kung paano niya idescribe ang ugali niya kasabay nun ang walang kamatayang papuri kung gaano siya kaganda at kagaling na boss. Siguro lahat ng ito ay dahil sa kanya... kaya lumaki ng ganito ang kompanya nila Sky dahil na rin sa pagiging devoted niya.

Bago pa ako mawala, alam ko na kung gaano ka success ang kompanya nila Sky pero hindi ko akalain na isa na sila sa pinakamalaking construction firm sa buong Asia at Europa.

"Kaya nga hindi ko maiwan-iwanan ang trabahong ito noon kahit na napahiya ako ng sobra sa buong team nung sigawan ako ni Mam Sof eh, malaki kasi ang sweldo dito di tulad sa iba..." dugtong niya, tango lang ako ng tango habang nakikinig sa kanya

Nakakawili naman siyang kausap at mabait din naman.

"Hebe... mabuti at nasalubong na kita!" abang sa akin ni Miss Liz "You are going with Mam Sophie sa site, nagkaroon kasi ng trouble and she will be there for inspection..."

"H-Hindi po ba kayo sasama?" tanong ko ng bigla akong nakaramdam ng kaba

"Hindi, I was assigned to arrange some events doon sa hotel nila sa Cebu... I have to catch the flight... Be good... sundin mo lahat ng sasabihin niya..." saka niya ako tinapik tapik sa balikat "Galingan mo!"

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!