Yung tatawagan ka para lang sabihing “Matulog ka na, may pasok ka pa bukas.” Kasi ayaw nyang magpupuyat ka. Tapos kakantahan ka na lang hanggang sa makatulog ka nga.
Yung babati sa yo ng “Good morning!” kahit text lang para maexcite kang pumasok at ganahang mag-aral.
Yung...
Yung...
Yung sasabihan ka ng “I love you” kahit walang dahilan.
Okay. Tama na. Ayokong maiyak sa harap nila.
“Hoy sumagot ka.” – kuya Liam
Lumilipad na naman pala ang utak ko.
“Haa? Ano bang tanong mo?”
“Tinatanong kita kung lalabas ka ngayon. Wala kasing maiiwan sa bahay. Aalis kami.” –kuya Liam
“San naman kayo pupunta? Kayong lahat?”
“Ineng, niyayaya akong manood ng sine ng amang mo e. Gusto nya daw panoorin yung Man of Steel.” - Inang
“WOW ah. Parang bata lang. Na may halong PBB Teens?” sabi ko tapos nilingon sina kuya Liam. “ Eh kayo? San kayo pupunta?”
“Lalabas kami ni kuya Sherwin mo.” – ate Lian
“May date ako.” – kuya Liam
“WEH Kuya. Wala ka namang girlfriend.” Sagot ko.
“Ah, ineng, sa Sm kami lahat pupunta. May kanya-kanya kaming lakad dun. Baka sa gabi na kami magkita-kita, sabay-sabay na magdidinner.” – Inang
“So ganun? Triple date nga? Bakit hindi ako kasama sa plano?” tanong ko. ABA. May ganun pala silang pinaplano ng hindi ko nalalaman. >.<
“Wala ka namang boyfriend e.” – kuya Liam
“ABA! Ang hard mo pre ah!”
“Gusto mo ba sumama? Baka kasi marami kang gagawin ngayon e. Napansin kong busy ka sa schoolworks nitong mga nakaraang araw maliban kagabi.” – Inang
“Eh? Wala naman akong sinabing marami akong gagawin e. Chaka wala naman akong ga...”
Napahinto ako at napaisip..
SHEEP. Marami nga akong gagawin. May mga assignments pa kami sa Accounting at nakaschedule ako ngayong gagawin ang ilan sa mga ELGA requirements namin. AH SHEEP TALAGA. -______-
“Marami nga po akong gagawin.” Sabi ko ng nakabusangot ang mukha.
“Yun naman pala e. Wag ka na nga sumama.” – ate Lian. Isa pa to. Ang babait lang ng mga kapatid ko.
“Uuwian ka na lang namin ng hapunan, neng. Ano bang gusto mong kainin?”
“Mcdo fries masaya na yan.” – kuya Liam. At kumirot si heartness. </3
“Hoy ayoko nun. Dinner kaya. Kenny Rogers na lang. Yung chicken tapos corn and carrots. Damihan nyo yung kanin.” Sagot ko.
“Kenny pa. Mang-Inasal ka na lang para unli rice. Kunwari ka pa e.” – Kuya Liam
“Ayoko kakakain ko lang nun sa school kahapon. Medyo kasawa.”
“Oh sige, neng. Mga 8pm nakauwi na kami. Uuwian ka na lang namin.” – Inang
“Kukwentuhan na lang kita.” – Amang. ABA. Lakas mang-asar ni amang ngayon ah.
“HAAAAAAAYS! Hindi ako makapaniwala.”
“Na hindi ka kasama? Tanggapin mo na pre. Single ka na e.” – kuya Liam.
POTEK. Double kill yun a. Nang-inggit na na hindi ako kasama, nang-asar pa na wala na kong boypren!
ESTÁS LEYENDO
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----19th string-----
Comenzar desde el principio
