-----19th string-----

Magsimula sa umpisa
                                        

“Inang, may isheshare ako.” Sabi ko.

“Ano?” – Inang

“Uhmmmmmmmmmmmm. Wala na ho kami ni Zeke.”

“Bakit naman, neng?” mabilis nyang tanong.

ARGHHHHHH nagtutubig na yung mata ko. Yung boses kasi ni Inang masyadong malambing. Parang gusto ko tuloy magpacomfort.

Hindi muna ko nagsalita hanggang sa napigilan ko na talaga yung pagtulo ng luha ko. Huminga ulit ng malalim at tumingin sa kanila.

“Wala e. Hindi na kasi maganda yung takbo ng relationship namin.” Sagot ko.

“Talagang ganyan ang buhay.” – amang. WOW. May masabi lang si amang?

At nabalot kami ng katahimikan.......

“Kung kayo talaga, kayo talaga.” – amang.

Ehh, ang showbizz ni amang? HA-HA.

Pero tama nga naman. Kung kami talaga, kami talaga. Hindi lang siguro ngayon. Pero pwedeng hindi talaga kahit kailan. </3

“Hayaan mo na ineng, mabuti na rin yon para makapagconcentrate ka sa pag-aaral mo.” - inang

“Inang naman. Kahit naman kami pa, hindi ko naman napapabayaan pag-aaral ko.”

“Oo nga. Ang ibig ko lang naman sabihin, hindi ka na mahihirapan imanage yung oras mo diba?” – inang

“Oo nga. Tapos reklamo ka ng reklamo dyan sasabihin mo wala ka nang time sa leisure.” – ate Lian.

Hay nako, gumatong pa. -_____-

“Sinong nakipagbreak?” – kuya Liam.

AIIIISSSSSSSSSH! Isa pa to! Hindi ko na dapat sasabihin yung part na yun e. >.<

“Si Zeke. Pero naisip ko na din naman na makipagbreak na din. Naunahan nya lang ako.” Sagot ko.

I lied. Never sumagi sa utak kong makipagbreak sa kanya. It’s just that, ayokong sumama yung tingin nila kay Zeke.

“Bat hindi ka naiyak?” – amang

Nagulat naman ako sa tanong ni amang. Hindi ko alam kung trip nya lang yon o ano.

Natahimik ako at nag-isip saglit. Pano ba to...

“Eh kasi nga ho, naisip ko na din na makipagbreak. So parang hinanda ko na ang sarili ko sa pagtatapos ng relasyon namin. Naunahan nya lang talaga ako.” Sagot ko na parang wala lang sa kin ang lahat. Na para bang hindi nagdudugo yung puso ko ngayon.

Bukod kasi sa ayaw kong mabadshot si Zeke sa kanila, ayokong nakikita nila kong nahihirapan.

Ginusto ko to e.

Sino ba kasing nagsabing magmahal ako diba? Sino bang nagsabing ipilit kong makipagrelasyon kahit na alam ko sa sarili kong malabo yon dahil hirap na hirap ako sa course ko.

Pero isa lang naman ang gusto ko e. Inspirasyon. Inspirasyon para mawala lahat ng pressure na dala ng course ko. Inspirasyon para maachieve ko yung goals ko. Inspirasyon para kayanin ko lahat ng mga problemang pagdadaanan ko. Alam kong may pamilya naman ako, at marami naman akong kaibigan. Pero hindi naman siguro masamang humanap ng isang taong mag-aalaga sayo diba?

Hindi naman siguro masamang humanap ng isang taong magsasabi sayo na “Kaya mo yan, ikaw pa. Ikaw si Leanne Faye Paz e.” kapag gusto ko nang sumuko.

Yung magsasabi ng “ Goodluck sa Exams! God bless!” bago matulog kapag exam week na.

Yung yayakapin ka na lang sa tuwa at sasabihing “I’m proud of you” Kapag pumasa ka o kaya mataas ang nakuha mong grades.

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon