-----19th string-----

Start from the beginning
                                        

*tumunog ang phone*

Nagtext si Vano.

“You okay now? Wanna go out?”

Hell yeah, I want to go out. Gusto kong magliwaliw para makalimot. Kaso, parang wala ako sa mood e. Parang hindi rin naman ako makakapagsaya kahit ipilit ko.

“Okay lang ako. Yoko lumabas, natatamad ako e.” message sent.

*tumunog ang phone*

Hindi naman sya mabilis magreply no.

“You want me to go there? I’ll bring you Mcdo fries.”

Mcdo Fries? SHEEP. Kumirot lalo yung dibdib ko. Dati tuwang-tuwa ako sa Mcdo fries lalo na kung libre. Ngayon, si Zeke ang unang pumasok sa isip ko. Ano ba, sa Mcdo lang kami nagkabalikan pero hindi naman dahil yun sa fries. Bakit ba sya pa rin naiisip ko?

“Wag na. Nagtatae ako e, nakakahiya naman sayo.” Message sent.

Ang ganda lang ng naisip kong dahilan. Nagmamalfunction na naman ang utak ko. Pero sana, effective.

*tumunog ang phone*

“Gross. Okay. Just rest.”

O diba, nalait pa ko? Pero ayos na din yun. Gusto ko lang talaga mapag-isa ngayon. Yung utak ko kasi prang aning lang. Paulit-ulit na ni rereplay yung nangyari samin kagabi. Yung mismong break-up call pa. Ang galing ano po?

Time check: 12:09. POTEK.

Pati ba naman oras kelangan may 9? Kelangan pinapaalala yung monthsary namin? JOKE. Pati orasan nang-aasar e no. Great, just great.

Ilang oras na pala kong nakatunganga.  Bumangon ako at pumunta sa banyo para tingnan ang mata ko. Medyo humupa na sya. Nagpatak na lang ulit ako ng Eye-mo at nagpowder.

“Leeanne Faye, act naturally.” Sabi ko sa sarili ko.

*tok tok tok*

“Hoy Faye, tanghali ka na naman. Bumaba ka na dyan, kakain na.” – Kuya Liam

“Susunod na!” sagot ko.

Kainis talaga yun. Kitang nagoorasyon ako dito e. Hmf

Tumingin ulit ako sa salamin at ngumiti.

“Ayan, ganyan ka lang hanggang mamaya.”

Sa dining room...

“Bat tanghali ka na? Anong oras ka umuwi kagabi?” – amang

Hala oo nga no. Anong oras na ba ko nakauwi? Tsaka pano?

“Mga 12 siya hinatid ni Ivan kagabi.” – kuya Liam

Ay oo nga. Si Ivan nga pala kasama ko kagabi. Nakatulog na siguro ako sa pag-eemote.

“Anong resulta, neng?” – inang O.O

Anong resulta? Alam na ba nina inang na break na kami!?

“H...Ho?

“Nanalo ba si Kate?” – Inang

Yun lang pala. Bukod sa nawasak ang puso ko, pati utak yata nadamay. Masyadong praning.

“Hindi ho e. Pero 2nd place naman sya. Sayang nga e. Ang galing kasi talaga nung nanalo.”

“Talagang ganyan ang buhay.” – amang.

Right. Talagang ganto ang buhay. Minsan nananalo, minsan natatalo. Minsan umiibig, minsan nasasaktan. CHOS! Ang arte. HAHAHA

Teka, kelangan ko na nga pala sabihin sa kanila na wala na kami ni Zeke. Ayaw kasi ni Inang na nagtatago ako sa kanila.

OKAY hingang malalim. Inhale, Exhale.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now