Irene's Point of View
"Hi daddy. Ilang taon na rin kitang hindi nadalaw. Kamusta ka na jan sa heaven kasama si mommy? Siguro ang sweet nyo jan sa heaven no? Sana gabayan nyo parin ako at pakisabi sa mga angels ko, bantayan ako ha? Ang dami na pong nangyari sakin nung nasa America ako. Aunt Marga is taking good care of me nung nasa America pa kami. Sana nandito ka pa daddy... sana...
15 years ago...
"Princess! Wake up! Wake up! May pupuntahan tayo dali! Bangon na anak!"
"Daddy inaantok pa 'ko ihh! Mamaya nalang."
"Princess, hindi natin pwedeng palampasin 'tong araw na 'to. Ayaw mo ba makita ang gift ko sayo?"
"Gift..... OH MY GOSH! MAY GIFT AKO DADDY?"
"Yes kaya bumagon kana birthday girl! Haha good morning princess!"
Daddy naman eh! Lagi mo akong bine-baby. Haha kaya love kita eh!
"Good morning din daddy!"
And then I hugged him then I kissed him sa cheeks.
"Princess, maligo ka na dahil amoy laway ka pa! Haha just kidding. I love you princess ko."
"I love you too dad! I'm taking a bath na."
Kami 'yan ni Dad. He's so sweet, caring and loving father to me. Hindi ko nalang alam kung mawawala pa si dad sa tabi ko dahil hinding-hindi ko kakayanin 'yon. I love him as he loves me too. Si mommy naman, iniwan na niya kami dahil sa car accident nung four years old palang ako kaya si daddy na din ang tumayong mommy para sa akin. Alam kong malungkot ang karanasan na iyon kaya dalawang taon din akong hindi nakapagsalita nung namatay si mommy. Until now, we still miss mommy.
Nagbihis na ako at inayusan na rin ako ni manang Helen dahil ice-celebrate namin ang 12th birthday ko. Exited nakong bumaba kasi alam kong may surprise nanaman sa akin si dad. Until now, bine-baby nya talaga ako.
"You look so beautiful my princess."
"As always dad. You know it."
Then, we laugh.
"Let's go? You look so exited for your surprise huh?"
"Opo daddy! Iniisip ko pa lang, nae-exite na talaga ako! Tara na dad!"
"Okay princess."
Sumakay kami ni dad sa kotse niya. Siya na daw kasi ang magd-drive. Bakit hindi nalang si manong para magkatabi kami ni dad? Okay, kung ayun ang gusto niya. Maya't-maya nakaramdam ako ng antok dahil ang aga kong ginising ni dad. It's not bad naman kung iidlip muna ako eh. So I decided to take a nap habang nasa biyahe.
"Princess, nandito na tayo. Wake up na."
"Dad, nasaan tayo?"
"Take a look at the window."
"Wait... daddy nasa amusement park tayo?! WOW! ANG GANDA DITO DADDY! FIRST TIME KO ITO AT NATUPAD ANG WISH KO! THANK YOU DADDY!"
"Yes, alam ko kung ano ang gusto mo so, dinala kita dito. Do you like it?"
"Super po daddy! I love it!'
"What about me?"
"Of course, I love you too daddy!"
I hugged him tight kasi ginagawa niya ang lahat mapasaya lang ako. Pero ang totoo talaga niyan, kapag kasama ko si daddy, magiging solved ang lahat kahit hindi na kami pumunta dito. I just wanna stay with him kasi siya nalang ang natira samin.
Nilibot namin ni dad ang buong amusement park. Sumakay kami sa bump car, Ferris wheel, roller coaster, at iba pa. Tapos kumain kami, nag-videoke, dance revo, tapos binigyan niya pa ako ng isang malaking Teddy bear galing dun sa machine na may maraming toys tapos may claw dun na mangunguha sa toys na nandun sa loob ng machine.
"Nag-enjoy ka ba princess? "
"Yes dad. SUUUPPPEEERR!!! Thank you daddy! I love you!"
"You're always welcome sweetheart and I love you too. Uwi na tayo, magsasara na sila eh. At may gifts ka nga pala sa bahay. Let's go?"
"Let's go!"
Sumakay na kami sa kotse tapos nilaro ko yung teddy bear na bigay sakin ni daddy. Nakakagigil yung size niya sa super laki niya! Tapos amoy strawberry pa siya hahaha ang cool nga eh! Then nakaramdam ako ng antok dahil din sa pagod kaya medyo naubusan din ako ng energy. Umidlip muna ako habang nasa biyahe kami dahil isang oras din ang biyahe papuntang bahay.
"Young lady, gising na po, nandito ka na po sa bahay."
"Manang Helen! "
"Oo ako nga. Tara na po? Nauna na po ang daddy nyo sa loob. Malay mo may surprise nanaman siya ngayon bago magtapos ang araw ng iyong birthday. "
"Haha. Si daddy talaga."
Bumaba na ako ng kotse. Hmm.. may naaamoy nanaman akong trip ni daddy. Nung pagka-open namin ng pinto, nagulat ako sa nakita ko.
'Happy Birthday Irene!'
"Happy birthday young lady!" Sabi ng mga maids at ng driver namin habang hawak nila yung banner at party
"Thank you po yaya! Thank you din po manong!"
"Insan! Happy birthday!"
"Insan! Waahh nandito ka! Kailan ka umuwi galing US?"
"Kaninang hapon lang nung namasyal kayo ng daddy mo. I miss you insan!"
"Namiss din kita Harry!"
Niyakap ko si Harry ng sobrang higpit! Kasi siya lang ang kasama ko noon bago mawala si mommy. Siya din ang kalaro ko noon. Kaso kailangan nilang pumunta ng US dahil nakakuha siya doon ng scholarship na bigay sa kanya ni tita Marga. Nung nawala si mommy, bumalik sila ng Korea para damayan kami pero dalawang buwan lang sila nandito dahil ayaw ni Harry na mag-skip sa klase ng matagal.
"Tara, kainan na!! Iha, mag-blow ka muna ng candle bago tayo kumain!"
"Opo tita! Namiss din po kita tita Marga!"
"Haha namiss din kita iha. Sige na, matutunaw na ang candle. Happy birthday! "
Pinikit ko ang mga mata ko. Ang wish ko lang naman ay sana lagi kong kasama si daddy. More blessings at good health. Tapos hinipan ko yung candles tapos nagpalakpakan sila.
"Yehey kainan na! Haha gutom na ako eh."
Haha baliw ka parin talaga Harry. Wala ka paring pinagbago kahit na sa America ka na nakatira.
After namin kumain, binuksan ko na ang mga gifts ko galing kela manang, daddy, tita Marga, harry, kay manong at sa iba pa naming maids. Natuwa ako sa balita ni Harry na mags-stay muna sila dito ng isang linggo kaya may kakwentuhan nanaman ako dito at ang mas maganda, dito sila sa mansyon mags-stay! Yehey!
"Oh sige na ija, matulog na kayo at masyado nang malalim ang gabi. Say good night to your daddy na."
"Opo tita. Good night din po sa inyo! And thanks nga pala sa araw na 'to tita! I really enjoy thus day. I love you po!"
"Awh, you're such a sweet girl. Good night darling. Go tell your good night to your dad then go to sleep okay. Nasa guest room lang kami ni Harry. Good night once again."
Pumunta na ako sa room ni dad para mag-good night sa kanya. And ayun nga, back to business nanaman siya dahil nasa table nanaman siya nagsusulat sa kung anu-anong papel na naka-files. Then I give him a good night kiss then pagkabalik ko sa kwarto, natulog na ako.
ESTÁS LEYENDO
Revenge Of the Heiress
De TodoAkala ko, ang lahat ay masaya. Parang sa storybook lang na nabasa ko. Akala ko perfect ang lahat. Nagtiwala ako, naging mabuti ako sa lahat, pinahalagahan ko ang nga taong nagpapahalaga din sa akin. Pero sa isang iglap, maskara lang pala ang lahat.
