Simula

7K 40 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No portion of this book may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any forms or any means- electronic, mechanical, photocopying, recording, or any other- except for brief quotations in printed reviews, without prior written permission of the publisher.

Copyright © 2018 daydreamteller


***************************


Every night, it would haunt me.

Ang sakit, pait at pighati ng nakaraan, it always haunt me.

Mula nang maghiwalay ang mga magulang ko, tiya ko na ang nag aruga sa akin. Ako na nagdesisyon non nang matanto kong nagtutulakan sa responsibilidad ang mga magulang ko. Minsan pinapalipat ako ng mama ko papunta kay papa tapos ganun din si papa. Kung hindi pa ako inaya ng auntie ko na sa kanya nalang manirahan, malamang, hanggang ngayon ay pinagpapasa pasahan parin ako.

Pareho na kasi silang may asawa. May isang anak si mama mula sa kanyang bagong asawa at si papa naman ay may dalawang anak mula sa kanyang bagong asawa. Minsan ko nang nakilala ang mga kapatid ko. Si Liezel ang anak ni mama, si Katrina at John naman ang kay papa. Halos sampung taon din ang tanda ko sa kanila, at dalawang taon na nang huli kong makita sila. Hindi narin ako naglakas loob pang bisitahin sila sa kanya kanya nilang pamamahay, ang importante sa akin ay tinatawagan nila ako isa o dalawang beses sa isang linggo. 

Pakiramdam ko ako ang naging pagkakamali ng buhay nila. Hindi sila kasado nang mabuo ako, at nang maghiwalay sila, ganun parin. Kaya lumalabas na ako ang anak sa labas kahit na ako ang unang anak.

Madalas akong nabu-bully sa paaralan. Tuwing family day kasi, si Auntie Ara at Uncle Tony ang dumadalo para sakin. Alam nilang hindi nila ako anak kaya naging paborito akong asarin ng mga ka-edad kong kumpleto ang pamilya. Walang anak si Auntie at Uncle, kaya laking tuwa nila nang ampunin ako sa edad na sampung taong gulang. 

Naalala ko pa noon, lagi akong umiiyak dahil hindi ko maintindihan ang nangyayari sa mga magulang ko, pero dahil sa karanasang iyon, sa edad na 17 anyos ay mabilis akong nagmature. 

"Anak, I'm so proud of you!" Niyakap ako ni Auntie Ara. Nung una, nakakapanibagong tinatawag niya akong anak kahit na pamangkin niya lang ako. Pero kalaunan, nasanay narin akong tinatawag niyang anak.

"Salamat, Ma. Inspirado ako sayo e.." Ngumiti siya sa'kin, ganun din si Papa.

"Masaya kaming narating mo ang pinapangarap mo," Niyakap ko sila ng mahigpit.

"Ano nga ulit ang pamagat ng libro?"

Ngumiti akong muli.

"Dreams and Scars."

Dreams and ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon