Kung sa habang buhay
Isa lang ang tatanganan
Kamay mo lang ang aking hahawakan
Kung sa habang buhay
Isa lang ang hahalikan—
Hindi ko naman naituloy ang pagkanta ko dahil narinig kong tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Tumayo naman ako para sagutin ang tawag at nilingon ko naman saglit si Hunter—ngumiti siya ng tipid at nag-thumbs up.
"Hello?"
[Ehem.]
"Oh, Travis? Napatawag ka?"
Narinig ko namang may tumikhim sa may likod ko at paglingon ko naman ay nakita ko si Hunter na nahiga na ng padapa at nagtalukbong ng kumot niya.
[Wala, namimiss lang kita.]
"Sus, nagkikita naman tayo araw-araw ah?"
[Hindi nga tayo nagkita kanina eh. By the way, natanggap mo ba yung mga bulaklak kanina?]
"Yup, thank you, Travis!"
[You're welcome. Teka, nasaan ka ba? Parang ang tahimik yata dyan sa inyo ah?]
"A-ah e-eh..."
[Hmm?]
"Nandito ako kela Hunter."
[Ay oo nga pala. Anong oras matatapos yung tutorial mo? Gabi na ah?]
"Pauwi na din ako."
[Ganon ba? Sunduin na kita dyan sa kanila, gabi na eh.]
KAMU SEDANG MEMBACA
Loving You From Afar
Fiksi Penggemar[Property of: Miryl M./suffocatinglove] Naranasan mo na bang ma-inlove sa taong imposible ka namang mahalin pabalik? Kung oo, nagkaka-tugma nga kayo ng istorya ni Zaree Ysabelle Salameda, isang simpleng babae na nahulog sa isang lalaking kinahuhumal...
SIXTEEN - Travis.
Mulai dari awal