TULA 27: Pinigil-pigilan, Pinayag-payagan

Start from the beginning
                                    

mahal.

Nawala na

ang pagmamahal

ko para sa iyo

na matagal

kong inalagaan

dito

sa puso ko."


"Hindi na ba talaga

maibabalik pa?"


"Patawarin mo ako.

Ngunit hindi na.

Kaya hayaan mo

na ako.

Hayaan mo na akong

maging masaya

na wala ka."


"Pakiusap,

huwag mo siyang

pahirapan."


Napatingin ako

sa isa pang nagsalita

Sa iyo

na ipinalit niya

sa akin


"Nandito ka rin ba

upang pahirapan ako?

Hindi na ninyo

magagawa iyon.

Hindi na ako

mahina tulad noon.

Hindi na ako

magiging mahina

para lang sa pagmamahal."


"Nandito ako

para tulungan siyang

makiusap sa iyo

na huwag umalis.

Na huwag siyang iwan.

Mahal ko siya.

Ngunit

mahal na mahal

ka niya,"

sabi mo.

"Hindi kami naparito

upang pahirapan ka.

Nandito ako

para tulungan

kayong dalawa

upang magkaroon

ng ikalawang pagkakataon."


"Huwag na kayong umasa.

Sapagkat

ang gagawin ninyo

ay balewala na.

Hindi na ninyo

Mapipigilan

ang aking nais.

Hindi ninyo mapipigilan

ang aking pag-alis."


"Kung iyan

ang iyong gusto,

wala na akong

magagawa.

Mabuti pa ngang

umalis na lang

kami.

Salamat

sa lahat,"

aniyang umiiyak.


Sumuko siya

Mabuti nga iyon

para wala akong

iisipin

sa aking pag-alis

Walang mabigat

na dadalhin

sa aking dibdib


Subalit

ako'y nagkamali

Nasa paliparan na ako

ngunit

ang mga paa ko'y

gustong bumalik

Batid kong

utos iyon

ng puso kong

nananabik


Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]Where stories live. Discover now