MARAMING naghahangad sa atin ng perpektong buhay, perpektong lovelife at perpektong sandali yung parang sa mga fairy tales.
Kung pangit ka, ika'y gaganda sa tulong nila fairy godmothers. Kung wala ka namang lovelife ay bibigyan ka ng gwapong prinsipe ngunit paghihirapan mo muna 'to – kailangan mong magtiis kasama ang mga wicked sisters at stepmother mo, makisama sa isang malahayop na tao, makulong sa isang palasyo, magkaroon ng mahiwagang sapatos, masumpa ng isang mangkukulam o di kaya'y magkaroon ng buntot. Aba! Imbiyerna 'to! Kung pangit ka, pangit ka talaga! Kung maganda, e'di maganda! Kung wala kang lovelife at nangangati kang magkaroon, ay aba naman 'te, sariling kamot muna!
Kung may perfect pa talaga aba e'di sana halos perpekto na lahat, matatalino na lahat ng tao at hindi na nagkakamali. Aba naman kung ganyan, gugulo ang mundo! Lahat nalang ng opinyon tama, e'di away na naman, aba naman sasakit bangs ko pag ganyan. Kung wala ng tinatawag na 'pagkakamali', wala narin tayong matutuhang mga importanteng bagay mula sa pagkakamali na 'yon.
Ako si Shamu Ramirez at naniwalang nothing is perfect in this world even in fairy tales because after all, perfection itself is imperfection. Sabayan niyo akong tahakin ang aking mundong puno ng imperfection.
----
Authors' note:
Hi guys! Matagal narin bago ako nagpost ng kuwento. Marami pa ngang naka on-hold. Pero sige lang try ko 'tong tapusin. Depende nalang din kung gusto niyo. Ge guys! Sabihin niyo lang pag-ipagpatuloy ko! - Light
