Nagbihis ako ng maganda, pero sabi niya kahit simple lang ang suot ko ako pa din ang pinakamaganda sa mga mata niya.
Napangiti ako ng magbalik sa aking alaala ang paraan ng aming pagkakakilala.
Una ko siyang nakita sa canteen namin, palagi siyang nakangiti, ang cute cute nyang tignan, tawag ko nga sa kanya ay Destiny, kasi hindi ko pa alam ang pangalan niya 'nun pero hindi ko pa 'nun siya crush. At sa tingin ko ay wala kaming chance na magkakilala dahil palagi siyang busy, at busy din ako.
Hanggang nung isang araw sa canteen, mahilig kasi akong mangurot, at siguro ay nasaktan 'yung kasama ko kaya marahas niyang inilayo sa akin ang braso niya
At ewan ko kung kasamaang palad or kabutihan kasi nasagi niya yung baso ng tubig nung nasa likuran namin, at si destiny iyon. Buti nalang walang nabasa sa amin. Siya na ang nagligpit nung natapong tubig at bago siya bumalik sa puwesto niya ay nginitian niya ako.
Simula noon, tuwing magkikita kami ay palagi na niya akong binabati at nginigitian. Hanggang sa kinuha niya yung number ko sa kasamahan ko at nagkatext kami.
Natatawa nga ako kasi ang corny ng mga text niya sa akin, sinasabi niya na nalalaglag daw ang puso niya tuwing nakikita siya nito, at nararamdaman ko na na may gusto siya sa akin.
Nung kinuwento ko iyon sa mga kasama ko ay tinukso nila ako, at hindi ko na din napigilang magka- gusto sa kanya.
Sinimulan na niya akong ligawan noon, at hindi nagtagal ay sinagot ko siya. Sa sobrang tuwa niya ay napasigaw siya sa canteen at dahil doon ay nasuspinde siya, kaya nung nag date kami ay doon nalang kami sa bahay nito, maliit lang ang inuupahan niya pero kasya naman kami, maraming nakahandang pagkain sa mesa nito pero nagtaka ako dahil parang pamilyar sa akin ang mga pagkain na iyon. Pero hindi ko na pinansin iyon. Pagkatapos naming kumain ay naupo lang kami at nag usap.
Napag alaman kong ang pagkain na kinain namin ay galing pala sa canteen, sinabi niyang natira iyon dahil napadami ang luto ng chef nila, kaya inuwi nalang nito at dahil nga nasuspinde ito ay wala itong pan date kaya ininit nalang niya ang mga pagkain galing sa canteen. Naiinis ako at iniwan siya, umuwi akong nagsusuka dahil panis na pala yung ibang pagkain na nakain namin, at sa kamalasan ay nagka LBM pa ako. Sa sobrang inis ko sa kanya ay hindi ko siya kinausap.
Ilang araw din niya akong sinuyo hanggang sa nagkabati kami at nangako itong hindi na niya ako pakakainin ng pagkain na natira sa canteen.
At nung pangalawa naming beses na date, akala ko sa resto na kasi tapos na ang suspension niya, pero ang sabi niya ay binawas daw sa sweldo niya ang nasirang kisame sa canteen.
Ipinaliwanag niya sa akin na sa pagsigaw daw niya nung sinagot ko siya ay nagulat daw yung pusa na alaga nung manager nila na natutulog sa attic at sa sobrang gulat ay napatalon daw ang pusa at dahil buntis ang pusang iyon ay sobrang bigat daw niyon kaya nasira ang kisame at nahulog ang pusa. Mabuti na nga lang daw at walang nasaktan kundi ay mas lalong wala na siyang su-swelduhin, pero nagalit daw sa kanya ng husto ang manager dahil nakunan ang pusa nito dahil sa pagsigaw niya.
Kaya naman sa tabi tabi na lang sila nag date, sabi niya hindi daw pedeng hindi matuloy ang date nila kasi monthsarry nila, kaya kahit sa kalye lang kami nag date ay pumayag na din ako. Buong akala ko talaga ay sa kwek kwekan lang kami mag de-date, yun pala sa park. Ayaw daw niya kasing maboring ako kaya kahit kwek kwek at fishball lang ang pagkain namin ay dinala niya pa din ako sa luneta park. Nag enjoy ako kahit papano, masarap kasi yung kwek kwek, kaya binigay niya lahat iyon sa akin at kanya yung fisball, sabi niya pa susubuan nalang niya ako, natuwa ako kasi ang sweet niya pero yun pala kunwari airplane airplane daw siya na pala kumain lahat ng kwek kwek, at isa nalang ang natira sa akin sabi niya promise daw isusubo niya na sa akin yung isa,
Naka ready na yung bunganga ko 'tas bigla namang may tumulak sa kanyang bata kaya nasubsob siya lupa, tinulungan ko siyang tumayo at hinanap ko yung kwek kwek, nakita ko nasa bunganga niya pala! Sa inis ko ay sinampal ko siya
Humingi siya ng sorry at nagpaliwanag na kung mahuhulog din daw yung kwek kwek ay sayang naman kaya kinain niya na lang daw, napaiyak nalang ako sa gutom, gutom na ako nun tapos inubos niya pa lahat yung kwek kwek kaya tuloy yung fishball nalang yung kinain ko. Pagkatapos nun umuwi nalang kami.
Kinagabihan nagtext siya sa akin, nag sorry siya kasi inubos niya ung kwek kwek. nag promise ulit siya na hindi na mauulit iyon.
At ito na nga ang pang third date namin, sabi niya 3rd monthsarry na namin, sabi niya espesyal daw.
Eto na siya sinundo na niya ako, maya maya huminto siya sa tapat ng pinagta trabahuhan namin, nagtanong ako kung anong gingawa namin dun pero hindi siya sumagot.
Naiinis na ako kasi papunta kami sa canteen, so ano toh? sa canteen kami magde'date?!
Huminto ako sa paglalakad, at hinarap siya. Sinabi ko sa kanya lahat ng gusto kong sabihin.
Sinabi ko sa kanya lahat ng dinanas ko nung pinakain niya ako ng panis na pagkain galing sa canteen, nung inubusan niya ako ng kwek kwek sa luneta, at kung ano ano pang hinanakit ko sa relasyon nila.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko, "Ikaw naman, wag kana mag tampo, alam mo ba pinaghandaan ko toh" malambing ang pagkakasabi niya, at nakangiti siya sa akin.
Napansin kong madilim sa canteen kaya nakakapit lang ako sa braso niya, siya naman inaalalayan niya ako.
Maya maya unti unting nagbukas ang mga ilaw, namangha ako sa itsura ng canteen ngayon, ang ganda.
Parang may JS lang, at maganda yung designs, napangiti ako.
Iniabot ni Eduard ang kamay ko at ipinatong niya sa balikat niya, "Pwede ko bang maisayaw ang prinsesa ko?"
Nakangiti na naman siya sa akin.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Siya si Janette ang prinsesa ko.
Habang kasayaw ko ngayon ang aking prinsesa, hindi pa din ako makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon.
Nakangiti siya at nakikita kong masayang masaya siya.
Ang mga ngiti niyang iyon na nagpapalaglag sa puso ko. Palagi niyang sinasabi sa akin na ang corny daw pero iyon talaga ang nararamdaman ko.
Hindi ko din maintindihan, pero sigurado na akong sa kanya lang ang puso ko.
Masaya ako sa piling niya ngayon at tila ayoko ng matapos ang gabing ito.
"Sorry ha?" sabi ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin.
"Sorry para naman saan?"
"Kasi pinahirapan kita sa relasyon natin. Kasi inaagawan kita minsan ng pagkain, sorry kung---"
Hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko ng pinagdikit niya ang mga ilong namin.
"Okay lang yun, tsaka tapos na yun eh, ikaw kasi ang payat payat mo naman pero ang takaw" pareho kaming natawa sa sinabi niya. Pagkatapos ay tahimik nalang ulit.
Nakayakap lang siya sa akin.
"Nag e-enjoy ka ba?"
Niyakap niya ako ng mahigpit "Wag ka maingay jan, i-enjoy mo nalang okay?"
Napangiti ako.
"Sana hindi na matapos ang gabing ito..."
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Wala daw silang ending sabi Janette hehe..
regards Kay Ate Ann J
-Lei <3 (04-21-14)
![[One-Shot] Story Of Us :)](https://img.wattpad.com/cover/58443199-64-k409229.jpg)