GG?
Ano to? Galunggong?
Gagu? Gaga?
Marahil na intriga ka na sa title pa lang ng kwentong ito.
Una sa lahat. Kung naghahanap ka ng bidang gwapo hindi ito ang kwentong para sayu.
Hindi ako gwapo, at wag na wag mo akong tatawaging panget. Putang ina ka.
Pangalawa, kung ayaw mo ng mura, at naiinis ka sa mga nagmumura. Hindi din ito para sayu. Hipokrito ka.Pakyu!!
At huli sa lahat. Hindi ito gawa gawang kwento.
Hango ito sa tunay na buhay. Hango sa tunay na pangyayari maraming dagdag, walang bawas. Game?
Kung normal ka lang, yung hindi nililingon, hindi masyadong napapansin pag maraming tao, hindi ikaw ang laging pinagkukwentuhan ng mga tao dahil (mawalang galang na) hindi ka physically attractive kagaya ng usual na pinagtitinginan at pinaguusapan, walang masyadong nagkakagusto (siguro naman meron), walang masyadong naghahangad (nagpapantasya minsan) , may nanliligaw pero latak-latak nga lang (kung sa babae) may gustong ligawan ngunit ikaw yung typical na torpe na alam mo sa itsura mo palang eh baka ma friend zone ka na agad (kung lalake ka)
ikaw yung tipong, kaibigan ng lahat. dahil hindi ka kagandahan at kagwapuhan at hindi ka din kapangitan, eto ang level na tatawagin ng kwentong ito na KALMA. Kumbaga: tingnan ang pagkakasunod sa ibaba.
ANG MGA PINAGPALA (usually artista)
GWAPO / MAGANDA
kalma
PANGET
marami kang kaibigang nabibilang sa level na yun. for some reason (pota english) malapit ka sa mga ganitong level ng tao. pero hindi ka naman naiinggit. alam mong maganda/gwapo sila pero alam mo din sa sarili mo na hindi naman sila sobrang malayu sayo at hindi ito nakakaapekto sa pagkakaibigan nyo. hindi ka naiinsecure dahil maganda sila o gwapo. alam mo na hindi ka man gifted physically eh may angkin kang xfactor (minsan xrated) na wala sila. may aspekto sa iyong buhay na alam mong malakas ka. kaya nga sila napalapit sayu. dahil sa confidence mo makipagkaibigan sa kanila kahit KALMA ka lang. for some reason, hindi ang mga panget ang usually ka close ng mga gwapo at maganda. tayo yun. tayong mga KALMA. (chos)
Sa inyong grupo hindi ikaw ang weakest link, ikaw usually ang nagpapasaya. ang binding factor. ikaw ang tikoy ng grupo!
ikaw yung kahit hindi man kagandahan at kagwapuhan eh may angking talento ka sa specific na mga bagay.
magaling ka magitara, odi kaya kumanta.
magaling ka magdrawing. odi kaya magaling ka sumulat.
magaling ka sumayaw. odi kaya magaling ka sa sports.
hindi ka sobrang matalino, pero hindi ka bobo.
sa anim na nabanggit sa taas, dapat meron ka lang dalawa o tatlo. (welcome ka KALMS! )
pag isa lang ang meron ka. at may itsura ka. nandun ka sa taas namen.
salamat sa pagbisita \m/
pag meron kang anim. panggap kang hayup ka. wag ka dito. ..I..
pag wala kang kahit isa. nandito lang kameng mga KALMA para sayo okay?
kung sa parteng ito ay nag babasa ka padin.
it's either curious ka na sa tatakbuhin ng kwentong ito oh di kaya
masasabe ko na, nasa parehong level tayo ng kinalalagyan.
ang masaya at masalimuot na mundo ng mga KALMA.
tayo ang lageng tinatakbuhan pag may problema. ISANG TEXT LANG.
tayo ang madalas na runner sa inuman odi kaya ang tanggero sa tagayan. .
tayo ang bangka sa kwentuhan. tayu ang pinakamalakas tumawa na may pa-palo-palo pa sa hita.
tayo ang nagpapasaya ng tropa.
tayo ang pinaka madaling i-FRIENDZONE.
at higit sa lahat tayo ang pinaka under appreciated sa APAT na uri ng tao sa mundong ito.
KALMA. Ito ang kwento naten.
baket GG ang title.
Kalma ka lang.
KALMA.
-end-
