"But wearing eyeglasses reduces the need to touch your eyes. The more na nahahawakan mo 'yung eyes mo, mas maiiritate lang 'yan. Baka magka-infection pa," giit ni Kris sa gitna ng pagtatalo nila ni Vice kung eyeglasses ba o contact lenses ang dapat isuot ni Vice.
"Asawa, siguro naman naiintindihan mong mahirap magperform kapag nakasalamin 'di ba?" iritang sagot ni Vice.
Then only use contacts when you perform. Duh?"
"At hindi rin ako sanay na laging nakaeyeglasses."
"Okay fine, Viceral. Basta take care of your eyes from now on. 'Di ba I told you naman na before 'wag ka masyadong magcellphone, kasi-"
"Oh yes, yes alam ko na 'yan. Nagsisisi na nga o. Kaloka, ang hirap pala talaga kapag malabo ang mata," buwisit na sambit ni Vice bago siya sumandal sa sofa at pumikit. "Ano bang ipinunta mo rito?"
"I just felt like I needed to visit my asawa. At saka I bought you a new bag," sagot ni Kris sabay halungkat sa mga dala niya. Natawa naman si Vice sa nakitang dala ng kaibigan.
"Sinong nagsabi sa'yong kinahihiligan ko ngayon ang sling bag? By the way, thank you! Hindi mo ba 'ko ipagluluto? Adobo?"
"Adobo again? Kailan ka ba magsasawa, asawa? And it's time to sleep na o... okay fine, ang kapal talaga ng face mo kahit kailan," sabay roll ng eyes at lakad papunta sa kusina.
-
Oras na para matulog pero pinili ni Karylle na tumambay muna sa sala at magcellphone. Ilang beses niyang nilock at inunlock ang phone niya, hoping na may maiisip na siyang pwedeng gawin para antukin.
May lumitaw na isang message mula sa inbox niya kaya binasa niya agad ito.
"Good evening, K! Ano ngang bagong number ni Anne?"
Si Vice. Agad namang sumagot si Karylle.
"I don't know e, I'll try to ask Vhong if he's still awake:))"
Karylle texted Vhong at agad naman itong nakapagreply.
Sinabi na rin agad ni Karylle ang number ni Anne kay Vice.
"Thank you K! Kaloka, nagising ba kita? Sorry!"
"No, it's fine. :) I'm still awake, hindi ako makatulog e. Go ahead, talk to Anne na. Good night! :))"
"Good night K!"
Karylle typed "How are you?" but she did not send it. Binura niya agad. Tumingin siya sa kisame at humugot ng malalim ng hininga. "Kakausapin ko ba ulit si Vice?" tanong niya sa sarili.
"No, Karylle Yuzon. Babalik lang sa isip mo lahat," sagot niya rin sa sarili.
Sinubukan ulit ni Karylle pumikit pero hindi talaga siya makatulog. Huminga siya nang malalim bago muling buksan ang inbox at balikan ang conversations nila ni Vice noong taong 2013.
Vice: I know, hindi ka pa natutulog. I know, pinag-iisipan mo pa rin kung itetext mo ba 'ko. I know, pinag-iisipan mo kung kukumustahin mo ba 'ko o hindi. So I texted to tell you na humihinga pa rin ako. Stop worrying. :P
Karylle: Ang kapal rin talaga ng face mo ano?
Vice: Well, thank you for your fast reply.
Karylle: Get well. I miss you. I'll be visiting you tomorrow after Showtime. Ang hina ng resistensya mo. Hay!
Vice: Yes, so you really need to take care of me NOW. Wala akong kasama rito. Sobrang lamig. :(
YOU ARE READING
miseria
Random"No, doc hindi pwede. May mga nagmamahal sa'kin. Hinihintay nila 'ko. 'Yung little ponies. 'Yung vicerylle babies. Malulungkot sila kapag hindi na nila 'ko muling nakita sa TV. Please gawin niyo lahat para maibalik 'yung dating kondisyon ko. Gusto k...
