“Bakit!? Why!? Nande!? Waeyo!?”
Astig. In four language, tinanong ko ang baliw na author na ‘to kung bakit ako ng napili nya pero after two hours matapos ko syang itext, wala pa ring sagot. Hay! Kung hindi lang sa crush ko ang author ng istoryang ‘to, wala ako ngayon dito.
I’m Tomoe Park. Half-anime, half-kpop idol. I’m enjoying my sembreak kahit two weeks lang. Pero dahil sa baliw na author ng istoryang ‘to, pinagpilitan nyang i-narrate ko raw ang bago nyang sinulat na sa tingin ko ay ang pangit-pangit-pang-“boink!”
Ahem. Di ko tatanungin kung saan nanggaling ang bolang ito kahit nahilo ako ng konti. Sisimulan ko na ang narration para makauwi na ako at makapanuod na ng Kuroshitsuji.
Alas nueve ng umaga. Sabado. Andito ako ngayon sa kanto. Tama ang pagkakabasa nyo. Kanto. Corner. I’m sitting outside a café enjoying my espresso latte macchiato and chocolate croissant. Five meters away from me, I can sense an aura of a poor, average beauty, college student girl walking towards my direction. Mukhang may lakad ang di kagandahang dalagang ito. Ngunit parang may mali. Parang sinusundan sya ng isang dark aura. Hmm.
Ayan. Naaamoy ko na ang di kagandahang babae. Malapit na sya sa corner kung saan ako nakaupo ng nakadekwatro. Paubus na ang iniinom ko pero di bale, oo-order ulit ako ng bago. Gusto ko ng malamig na salabat at siopao-asado.
Inalis ko ang suot kong shades na mamahalin at sinabit sa front area ng v-neck kong damit na kabibili ko lang kahapon dahil nagsale sila. Maraming tumili. Natatanaw ko na ang babae na base sa report ng author ay Micca ang pangalan. Mabuti na lang at cute ang kanyang pangalan dahil di na nga sya kagandahan. Nakasuot sya ng white shirt na may Rilakuma design na nakatuck-in sa suot nyang Jagger pants. Hmm. May fashion sense naman pala ang di kagandahang babaeng ‘to. Kaso nga lang, nakatsinelas lang sya at mukhang bagong-bago lang ang suot nyang Rambo slippers. Tama ang nabasa nyo. Rambo. Ang tsinelas na may taas na 1 inch, may makulay ang stripes sa gilid at kulay pula ang straps. May suot din syang sling bag na kulay violet na may design na aso. Nakalugay ang buhaghag nyang buhok nakahati sa left side. At kulay baby pink ang kanyang lips na mukhang bagong order lang nya sa DCos . (Dacutestgurlever Cosmetics).
Masaya syang naglalakad at nakuha nya pang mag hum ng Fantastic Baby. Huwag nyo akong tanungin kong pano ko nalaman kasi pati ako ay di ko alam. Malapit na sya sa may pwesto ko ng biglang, sa hindi maiiwasang sitwasyon, may humakblot ng kanyang bag. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi nya na nakuhang sumigaw. Pati ako, hindi ko na nakuhang picturan. Sayang. Siguradong magba-viral iyon. Next time na lang.
Ayun nga. May nagnakaw ng bag nya. Since di sya nakasigaw, at super fan sya ng saying na “action is more louder than words” ay agad nyang kinuha ang kanyang Rambo slipper from her right foot and strictly aims for her target who is now running towards me. Before I can even start may countdown, she quickly throws her beloved slipper and big thanks to all the god and goddesses present today because the slipper easily find its target and wordlessly hit the thief on his head.
Pumalakak ako ng malakas sabay sipa sa magnanakaw na ito na walang hiyang natumba sa may paanan ko. Pero mukhang mas matigas ang bungo ng magnakaw na ito kaysa sa tsinelas ni Micca dahil di pa man nakakatakbo si Miccca papunta sa lugar namin ay nakatayo ang magnanakaw na ito at naghahanda na namang tumakbo. At dahil gwapo ako at mayaman at half-anime at half-kpop idol ay hindi ko sya pinigilan dahil ang trabaho ko lamang dito ay narrator at ayaw na ayaw ng author na ilabas ko ang aking itinatgo-tagong kapangyarihan. Darna! Joke lang.
Mabilis na lumiko ang walang hiyang magnanakaw sa aming right side at nagtatatakbong muli. Mabilis rin ang takbong ginawa ni Micca at muntik na kong matawa dahil nakapaa na lang sya. Hawak-hawak nya ang kanyang Rambo slipper on the left foot habang naka-humanda-ka-sa-akin-pagnaabutan-kita-di-mo-na-makikita-pamilya-mo-face. Straight ang way na tinakbuhan ng magnanakaw kaya nagready muli si Micca ng kayang sharp-shoooter-slipper-edition skills. Nang masiguradong maaasinta nya na ang kalaban ay agad nya itong pinakawalan at salamat sa mga extra na istoryang ito na walang mga pakialam ay muling natumba ang magnanakaw.
Ngunit, ayaw ko man kayong saktan at ang feelings ni Micca, nais kong sabihin na ibang ulo ang natamaan ni Micca at ang ulong iyon ay natumba at napatid nito ang magnanakaw kaya natumba rin ang magnanakaw. Dahil sa sakit na dulot ng Rambo slipper sa ulo ng hindi pa nakikilalang lalaki (opo, lalaki) ay napahawak ito ng mahigpit sa ulo ng magnanakaw kaya hindi na ito nakatakas pa hanggang sa inabutan na ito ni Micca.
Agad na kinuyog ni Micca ang magnanakaw. At dahil pagkakataon ko na ito ay kinuhanan ko ito ng mga larawan at nagpromise na kapag na-upload ko na ito sa social media ay ita-tag ko sila. Ibinalik naman agad ng magnanakaw kay Micca ng kayang bag at humingi ng tawad. Dahil sa kagandahang loob ni Micca kahit alam nyang di sya kagandahan at pinatawad nya na rin ito. At bilang sign na bati na sila ay nagselfie pa silang dalawa at naki-groufie rin ako ng maglabas ng selfie stick ang magnanakaw.
Nag-alisan na ang mga extra hanggang sa ang naiwan na lang ay si Micca at si Luccas, ang kawawang natamaan ng Rambo no. 2. Nice. Parehong double C ang pangalan nila. Nagpasalamat ng marami ang di kagandahang dalaga sa medyo gwapo rin na binata. Nag-bow pa sya ng 180 degrees para ipakita ang sincere niyang thank you. Nagblush ng kaunti ang medyo gwapong binata na parang nakalimutan na ang makabasag-bungong sakit na idinulot ng dalaga. Isinauli rin nito ang dalawang Rambo slippers ni Micca na ako pa ang pumulot dahil wala ng pumansin sa mga ito. Nang tanungin ni Luccas si Micca kung ano ang laman ng bag nito dahil ganun na lamang ang pagsasakripisyo nito para sa bag na iyon, ang naging sagot ni Micca ay ito, “PAMBAYAD-UTANG KO SA AUTHOR NG ISTORYANG ITO.”
At dito na po nagtatapos ang walang kwentang istorya na ito na kahit ako ang naghirap sa pagkukwento ay wala akong talent fee. This is Tomoe Park. Half-anime, half-kpop idol. Signing off! Adios!
